^

Pang Movies

Anak nina Pauleen at Pia, dabarkads na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anak nina Pauleen at Pia, dabarkads na

Nakakatuwang may dabarkad na agad si Tali nina Vic Sotto at Pauleen Luna at siya ay si Brookyln, ang second daughter ni Pia Guanio at asawa nitong si Steve Mago. Nakakatuwa ang video ng mga bagets na nagba-ballet at nagsasayaw. ‘Yung video na nagsasayaw ang dalawang bata, biniro si Brooklyn na gaya raw ang bata sa mom niyang si Pia na matigas ang katawan sa pagsasayaw.

Kita naman na matigas magsayaw si Brooklyn, pero dahil bata pa, makukuha sa praktis para gumaling siyang magsayaw.

Vina at Pokwang, magkakumpetensya sa suka

Nakakatuwa na marami sa mga celebrity ang pumasok ng negosyo sa panahon ng pandemic, iba’t ibang klase ng negosyo ang nababasa namin. May nag-online selling ng cakes, viand, bread, sandwich spread at kung anu-ano pa.

Ang pinaka-latest na may online business ngayon ay si Vina Morales at ang kanyang Pinakurat na Suka na kanyang pinangalanang Inday Beena’s Best. Akala namin, pandesal ang produkto ng kanyang binuksang business.

Sa isa pang post ng aktres, ipinakita kung paano niya ginagawa ang Pinakurat na Suka at nabanggit na bata pa lang siya, mahilig na siyang magnegosyo. Ang kaigihan sa negosyo ni Vina, open sa distributors at hindi lang siya ang kikita, pati ang magdi-distribute nito.

Kaya lang, parang kinumpetensya ni Vina si Pokwang na nauna at matagal nang nagbebenta ng suka. Sabagay, the more the merrier at okay lang naman siguro ito kay Pokwang na may sariling suka si Vina na mabibili rin online.

Jasmine, hindi nababakante

Maganda ang sinabi ni Jasmine Curtis-Smith sa October 26 na pagbabalik sa ere ng Descendants of the Sun, sa mga hindi nakumbinsi na panoorin ang series the first time na nag-airing, may chance na silang panoorin ito. “Maybe now they’ll be convinced because we’ve been picked up by a trusted online platform and they can see the value.”

Ang tinutukoy ni Jasmine ang streaming ng DOTS sa Netflix simula November 13, ipalalabas ang 65 episodes at tatagal ang streaming ng Netflix hanggang
January 2021.

Ito palang si Jasmine, hindi nawawalan ng project dahil kung hindi TV project, may ginagawa siyang pelikula. In fact, ang movie niya na Alter Me, i-stream din sa Netflix at magpi-premiere sa November 15. Tapos, gagawin nila ni Piolo Pascual ang Real Life Fiction directed by Paul Soriano.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with