Tekla wala pang maisagot sa pambababoy daw na ibinunyag ng ka-live in
Tekla
Tekla wala pang maisagot sa pambababoy daw na ibinunyag ng ka-live in
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

Wala pang statement o paliwanag si Super Tekla habang sinusulat namin ito kung anong nangyari at bakit niya nagawa ang ganun sa live-in partner at anak nilang baby na hindi pa natatagalan ay hiningan niya ng tulong dahil may diperensiya ito nang ipanganak.

Eww ang kuwento tungkol sa TV host-comedian na kilalang Super Tekla na malamang daw ay makasuhan dahil sa ginagawa nitong pang-aabuso sexually at hindi pagbibigay ng sustento kung totoo nga ang mga akusasyon sa kanya.

Nagsumbong nga kay Raffy Tulfo si  Michelle Lhor Bana-ag dahil sa diumano’y   kakaibang ugali nito lalo na pag hindi napagbibigyan na mag-make love ng partner niya na pinipilit nito kahit masama ang pakiramdam   na ‘pag hindi raw niya pinagbigyan ay literal na ginugutom sila.

Actually may mas maselan pang kuwento ang partner ng komedyante na may video pa, na ang ibang viewers and netizens ay akala pala ay totoo itong bakla.

Dahil daw dito, diumano ay may chance na kasuhan ito ng marital rape, R.A. 9262, acts of lasciviousness at child abuse.

“Masama po ‘yung pakiramdam ko. Halos kada hapon po nilalagnat ako. Sumasama po ‘yung pakiramdam ko. Ang bigat po ng ulo ko. Hindi niya po maintindihan. Hindi niya po marespeto ‘yung ganung ano ko po kasi pina-injectionan niya po ako ng family planning, kasi hindi niya po mapigilan ang sarili niya. Gusto niya po ako galawin, para po daw safety,” bahagi ng kuwento ni Michelle.

Dagdag pa nito : “Mumurahin niya po ako. Hindi na po siya kikibo. Hindi po siya bibili ng pagkain kahit po nagugutom na ‘yung mga pamangkin ko na nandito.” 

“Nagiiyakan na, nagugutom na ‘yung mga bata. Nagmamakaawa na ako sa kanya bumili na siya ng pagkain. Hindi niya po inaatupag yung anak namin. ‘Yung inaatupag niya yung pagba-vlog,” pahayag pa nito.

Tinawagan ng Wanted sa Radyo si Super Tekla pero nagti-taping daw ito para sa The Boobay and Tekla Show.

Paano kaya ito malulusutan ng komedyante?

Kadiri kung totoo ang kuwento ng kanyang live- in partner ha.

 

 

 

 

TEKLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with