Tekla, mahihirapang bumawi
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

Grabe naman na buong radio show ni Cristy Fermin kahapon ay talagang si Tekla ang pinag-usapan. Parang kadiri ang issue at talagang hindi mo matanggap na magagawa ito ng isang asawa at isang lalaki. Sana nga hindi totoo dahil nakita mo pa noon ang pag-iyak ni Tekla sa paghingi ng tulong, para sa bagong silang na anak na may kapansanan.

‘Yung mga ipinahayag ng asawa ni Tekla spell the end to his career kung totoo, dahil isang bagay na dapat taglay ng isang komedyante ay ‘yung personalidad na harmless, all joy at mapagkakatiwalaan mo.

‘Pag nagkaroon ng malisya sa isang komedyante, iyon na ang ending niya, ‘yung para bang takot ka na sa kanya, lalo pa nga at sexual ang issue.

Sayang kung ito ay isang spur of the moment na complaint dahil lang sa galit dahil sinira nito completely ang katauhan at career ni Tekla.

I believe in second chances, I believe na you are innocent until proven guilty, pero kahit sino pang crisis manager will find it hard to defend this thing, kahit pa nga bawiin na ng asawa ang mga nasabi na niya laban kay Tekla, ang hirap burahin nito sa utak ng mga nakapanood sa radio TVshow ni Papa Raffy Tulfo.

Quo Vadiz, Tekla, saan ka na pupunta? Ano na ang gagawin mo? Bakit nagkaganito? Why?

Arnold, ginawang negosyo ang pagluluto

Love ko talaga si Arnold Clavio. Hindi niya nakalimutang magpadala ng mga paborito nating food like binagoongan, laing, pork menudo at adobo sa Take It… Per Minute Me Ganun para sa atin nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

Ang Pepper Bae home cooked meals ang negosyo ni Igan ngayon na ang ganda pa ng packaging.

Puwedeng mag-order lang online na talagang promise, ang sarap ng mga ulam na ibinebenta nila.

Hilig kasi talaga ni Arnold ang pagluluto ever since kaya ito ang ginawa niyang negosyo. At talagang reasonable at hindi ka manghihinayang sa pag-order dahil feeling mo talaga luto sa bahay n’yo ang mga ulam na offer ng Pepper Bae.

Ito ang isang talagang sasabihin ko na ‘pag hindi n’yo nagustuhan, talagang pasaway ka na lang.

Arnold, ‘pag yumaman ka, bigyan mo ako ng mana ha, grabe ka sa trabaho, walang sayang na oras, after news, balita at radyo, nagluluto ka pa, bakit? Bibilhin mo ba ang GMA? Hah hah joke joke, thank you, Arnold. 

TEKLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with