Gabby, hindi na nababaguhan sa lock-in

Gabby Concepcion

Naghahanda na ang GMA Entertainment Group dahil tuloy na tuloy na ang taping ng family series na First Yaya na magtatampok kina Gabby Concepcion, Sanya Lopez, Pancho Magno, Cassy Legaspi, JD Domagoso at si Ms. Pilar Pilapil.  Sa kasalukuyan ay inihahanda na rin nila ang mga health protocols na requirements ng Department of Health at Inter-Agency Task Force para sa kaligtasan ng lahat ng kasama sa taping, mula sa cast, production staff at TV crews.

Para kay Gabby, hindi na bago ang lock in dahil, simula pa ng pandemic, naka-lockdown na siya sa kanyang farm sa Lobo, Batangas, at kahit nang pwede na siyang magbiyahe, paminsan-minsan lamang siyang bumabalik ng Manila, kung may work lamang siyang dapat gawin, tulad nang pagpu-promote niya ng kanyang mga endorsements, at nang magkaroon ng press conference ang First Yaya, at ang pag-apir niya as the recipient ng Corazon Samaniego Award mula sa 51st Box Office Entertainment Awards, taped online, pero napanood sa TV5.

Naka-schedule na silang mag-start ng lock-in taping next month, middle of November.

Dennis nanggulat sa character

Nagulat at na-challenge ang mga bida ng last episode ng drama antho-logy na I Can See You: Truly. Madly. Deadly, na sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Rhian Ramos, dahil ibang-iba ang characters na ginampanan nila.  Ayon nga kay Dennis (Drew) hindi raw pangkaraniwan ang role na ibinigay sa kanila ni Jennylyn (Coleen) bilang magka-loveteam at hindi ordinary ang love story nila.  Nakakagulat din ang character ni Rhian (Abby).

“Hindi ko masabing grey ang character ko,” sabi ni Dennis. “Mas human lamang ang character ni Drew, kasi hindi naman siya mabait, hindi rin naman siya masama.  Lahat ng mga love scenes namin ni Jen ay ilusyon lamang pala ni Drew dahil pinagpapantasyahan niya si Coleen simula nang magkasama sila sa trabaho sa resort. Pero pinalalabas niyang mabait siya at tagapagtanggol ni Coleen.”

Bukas na, October 23, ang finale ng #ICSYTMD  na mapapanood at 9:15 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia sa GMA 7.

Show comments