EB, hindi pinagsasawaan
EB, hindi pinagsasawaan
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

Ang lalaki ng stars na naglalaro sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga. Talagang ito ang pinaka-most watch na portion ng Eat Bulaga kaya naman alagang-alaga nila. ‘Katuwa naman kahit big stars talagang enjoy na maglaro dito at parang game na game. Si Alfred Vargas nga kahit very busy, talagang nagbigay ng oras para sa paglalaro niya sa segment na ito dahil isa rin siya sa nanonood ng nasabing game.

Naka-perfect score si Gabby Concepcion ha, mukhang lagi rin siyang nanonood nito.

Kaya naman tumagal ang Eat Bulaga dahil talagang nakakatuwa ang bawat bagong palaro at segments nila.

Walang tatalo sa pag-iisip nila ng mga bagong putahe para huwag magsawa ang tao sa kanila.

Ang galing talaga ng Eat Bulaga. 

Paggawa ng pelikula, pakiramdaman pa

Talagang tuluy-tuloy na ang mga taping. Talagang gusto na ng TV industry na maging busy uli. Ang wala muna akong naririnig ay ‘yung shooting ng mga pelikula dahil nga medyo hindi pa alam kung ano ang magiging pagtanggap sa muling pagbubukas ng mga sinehan.

Medyo pakiramdaman pa ang movies, hindi gaya ng TV na mukhang busy na talaga. Maganda ang pagtanggap sa relaunching ng TV5 , ‘yung pagpunta ng Kapamilya sa ZOE Network, at ngayon nga, busy na rin sa mga taping ng bagong episode ang GMA 7.

Buhay ang TV, susunod na rin siguro ang movies. Pero sa ngayon nga tinitingnan pa how the audience will adapt doon sa bagong normal sa panonood ng sine.

Sayang din ang mga nagawang pelikula na natapos bago mag-pandemic, hindi alam kung saan ipapalabas sa ngayon at kung paano babawiin ang puhunan. Pero ‘di bale, hintay lang ng konti, baka maayos din ang lahat. 

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with