Magaling na aktres, ninerbyos nang ma-COVID ang make-up artist
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

Kinabahan pala ang isang maga­ling na aktres (na nagsimula sa showbiz bilang child star) nang mag-positive sa COVID-19 swab test ang nag-make up sa kanya sa isang lock-in taping.

Isa kasi sa health and safety protocols sa lock-in tapings ‘yung mag-swab test uli ang lahat bago pauwiin.

Pero sabi naman ng nag­tsika sa akin, hindi naman daw tinamaan ng virus ang magaling na aktres.

Negative naman daw ang swab test result niya bago nag-exit sa lock-in taping na ‘yon.

KathNiel tapos na ang House Arrest…

Ang last shooting day kahapon ng The House Arrest of Us.

Hanggang kahapon pa pala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa shooting ng Star Cinema digital movie series nila.

Bale dalawang co-star na lang daw ang natirang kasama ng KathNiel sa set ng The House Arrest of Us sa Batangas dahil naunang nakauwi sina Ruffa Gu­tierrez, Dennis Padilla, Gardo Versoza, Arlene Muhlach at iba pa.

Sa Saturday na mapapanood ang episode 1 nito sa KTX.ph at the next  day naman sa iWantTFC.

Ngayon pa lang ay sobrang tagumpay na ng The House Arrest of Us dahil marami na ang nakabili ng season pass. After nito, may iba pang ganoong projects ang Star Cinema.

Jolina at Marvin, tuloy na ang reunion

Matutuloy na raw ang reunion project nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Sumikat ang loveteam nina Jolina at Marvin noong late ‘90s at marami rin silang naging projects sa ABS-CBN.

Marami rin silang naging hit movies noon sa Star Cinema. Marami ang kilig-kiligan noon sa love team nina Jolina at Marvin.

Ikaw ba, Ateng Salve, excited na mapanood ang reunion project nina Jolina at Marvin?

Anyway, ang sabi ay sa iWantTFC ipapalabas ang reunion project na ‘yon.

Well ‘Yun na!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with