Agimat ni Sen. Bong, ginawa nang Ramon
Bong
Agimat ni Sen. Bong, ginawa nang Ramon
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

Wala pang kumpirmasyon sa GMA Network kung Ramon na ang title ng bagong show ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na unang nabalitang Agimat.

Ramon ang gamit sa TV plug kung saan binibigyang-pugay ni Sen. Bong ang yumaong ama na si former senator at actor Ramon Revilla Sr.

May clips ng lumang pictures ni Mang Ramon at paghatid ni Bong sa huling hantungan ng ama.

October 25 ang telecast ng Ramon ni Bong base sa plug.

Dingdong, tinuturuan na agad si Ziggy na mag-drums

Tinuturuan ni Dingdong Dantes na tumugtog ng drums ang bunsong anak nila ni Marian Rivera na si Sixto o si Ziggy.

Siyempre, ipinagmalaki naman ni Yan ang pagtugtog ng anak sa kanyang Instagram stories.

Sa IG photos naman ni Dong, ibinahagi niya ang ilang pictures habang tinuturuan ang anak na tumutog sa kanyang mini-drums.

“BEATING the Monday blues,” caption ng lead actor ng Descendants of the Sun PH.

Take note na mahigit isang taon pa lang si Ziggy na noong April 2019 ipinanganak.

Aba, kung ang anak nilang si Zia ay marunong din sa drums at kumanta, puwede na silang mag-concert together kapag lumaki na, huh!

Winner, talented talaga sina Zia at Ziggy sa mura nilang edad, huh!

GMA NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with