Heart aminadong sobrang arte noon!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

‘Kaaliw ang latest YouTube vlog ni Heart Evangelista kung saan ay ipinakita niya ang clips ng kanyang old performances, movies and TV shows.

May titulong “Reacting to Old Videos of Myself on the Net,” Heart walked down memory lane as she recalled the story behind the videos and revealed some interesting trivias.

First clip na ipinakita ni Heart ay isang dance number nila ni John Prats sa ASAP. Dati niyang ka-loveteam ang aktor noong nagsisimula pa lang siya at nasa ABS-CBN pa.

Habang nanonood ay tinatawanan na lang ni Heart ang sarili sa mga pinaggagawa noon. She recalled her past relationship with John na aniya ay naka-MU (mutual understanding).

“You know what, I really spent a lot of time with John Prats growing up coz were like the love team. He was my MU. I remember our ano (anniversary) pa then was 02-02-02 nung naging MU-MU kami nun’g bata kami,” kuwento ni Heart.

Eventually ay nag-fade rin daw ito at naging magkaibigan na lang sila.

“We’re friends now though but we were just very comfortable with each other. So, yeah,” she said.

May ipinakita ring clip si Heart na isang eksena nila ni John sa pelikulang My First Romance at ikinuwento niyang nag-aaway daw sila ng aktor nang kunan ang eksenang ‘yun.

“Alam ko rito sa part na ‘to, magkaaway kami ni John Prats. Nag-aaway kami kasi may nanliligaw na sa akin na iba no’n. Eventually, naging boyfriend ko ‘yung person na ‘yun. Nag-aaway kami no’n,” pagbabalik-tanaw pa ng fashion icon.

Anyway, nakakatuwa ang mga reaksyon ni Heart habang pinapanood ang kanyang lumang clips. Mismong siya ay naartehan sa sarili niya noon at sey niyang natatawa, “ang arte! Buti na lang minahal n’yo ‘ko kahit ganyan ako!”

Sa huli, ani Heart, marami man ang nabago sa kanya ngayon, it’s still the same old her up to now.

“’Yun pa rin ako. Maarte pa rin, nag-tone down lang kasi nag-mature pero it’s still the Heart I know,” she said.

Luis, binati ang mga kalaban

Binati ni Luis Manzano ang kanyang mga kapwa Kapamilya stars na may kanya-kanyang shows ngayon at nagbabanggaan sa timeslot.

“Congrats Team Showtime and Team LOL, ASAP family and SNL Family! Kahit nasaan pa kayo, love you guys proud of you all! Alam niyo yan! - Kuya Lu,” ang post ni Luis sa kanyang social media account.

As we all know, magkasabay na napapanood ngayon ang It’s Showtimeat ang Lunch Out Loud noong Lunes hanggang Sabado habang ang ASAP at Sunday Noontime Live naman ay every Sunday.

Ang It’s Showtime at ASAP ay napapanood sa A2Z Channel 11 habang ang LOL at SNL ay sa TV5.

Napapanood sa mga nasabing shows ng TV5 ang dating Kapamilya stars tulad nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Billy Crawford at marami pang iba.

To date, si Luis ay nananatili pa ring Kapamilya at may bagong sisimulan na online show sa YouTube with Long Mejia.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with