^

Pang Movies

Kris babalik na sa GMA 7!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

“Shopee Kween” ang title na ibinigay ng Shopee kay Kris Aquino na ipinakilala ng Shopee na kanilang endorser sa virtual media launch kahapon. Pero, this Wednesday pa siya lalabas sa isang TV station na ang hula ng mga nakabasa sa kanyang clue, sa GMA 7 siya muling mapapanood.

Sabi kasi ni Kris, “makakabalik ako kung saan ako unang nabigyan ng pagkakataon na lumabas sa telebisyon, bago pa man naging president ang mommy ko.” Eh, ‘di ba naging co-host siya ni German Moreno bago siya lumipat sa ABS-CBN.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang shippers nina Kris at Atty. Gideon na darating ang araw na magiging sila pa rin.

Si Atty. Gideon ang legal counsel at friend ni Kris.

‘Chanel’ kinakain na rin

Dahil sa post ni Heart Evangelista ng French fries na ang shape ay logo ng Chanel, marami ang na-curious kung paano ginawa ang Chanel French fries. Pero kung titingnan ang pinost ng Kapuso aktres na plate ng French Fries, makukuha kung paano gumawa ng branded na French Fries. Pagdidikitin lang ang dalawang hilaw na FF na ginamitan yata ng flour, saka lutuin.

Aliw ang comments na talagang sosyal si Heart dahil pati FF, branded at expensive at may nag-request ng tutorial kung paano gumawa ng Chanel FF. Sabi naman ng isang netizen, nakakaloka si Heart at ang tanong ng isa, kung may Chanel-shaped mold or cutter ng FF na puwedeng mabili.

Isa pang ikinaloka ng netizens ay ang inamin ni Heart na there are times na kahit nasa bahay lang siya, high-heeled shoes pa rin ang suot niya. Nasanay na kasi si Heart na naka-high heel siya, mas komportable siyang maglakad, kaya ‘wag na tayong makialam.

Saka, ang bahay nila ni Gov. Chiz Escudero, bagay lakaran na naka-high heel, kaya walang isyu rito.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with