^

Raymund, magtuturo ng music production sa second leg ng musiclass

Salve V. Asis (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siguradong matutuwa ang mga nais matuto ng music production dahil tampok ang rock icon na si Raymund Marasigan para manguna sa ikalawang leg ng MYX Musiclass na magaganap sa Oktubre 24 (Sabado).

Mas marami ang mabibigyan ng pagkakataon na matuto ng Music Production 101 dahil 500 na ang binuksang slots para sa leg na ito kumpara sa 100 noong unang leg dahil sa tagumpay ng Songwriting 101 kasama ang magkapatid na sina Paolo at Miguel Guico ng Ben&Ben.

Mas matututo pa ang 500 participants tungkol sa music-making at record production mula sa frontman ng bandang Sandwich, na kilala para sa mga kantang Sugod, DVDX, at Betamax.

 Para sa mga interesado sa MYX Musiclass: Music Production 101 webinar sa Zoom, mag-register na dito dahil first come, first served basis ang susundin sa mga makakasali.

Pagkatapos ng Songwriting 101 at Music Production 101, susundan ito ng final leg ng MYX Musiclass na Vocal Performance 101 sa mga susunod na linggo.

Mag-register na para mas matuto sa music production! Para sa iba pang detal­ye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.fb.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph).

Mikoy, may kakaibang style ng self-care

Sa nakaraang episode ng GMA Artist Center online show na Cool Hub, ibinahagi ng Kapuso actor na si Mikoy Morales kung paano niya inaaliw ang sarili habang naka-quarantine.

Ayon sa kanya, sinimulan niyang mangolekta ng mga Star Wars, Marvel, at D.C. action figures, “My dad used to go to Japan a lot for work. He would always come home with lots of Star Wars toys. ‘Yun kasi ‘yung era na ‘yun, e… Simula noong nagkatrabaho na ako, ginagawa ko na siya na parang self-fulfillment na natutuloy ko siya with my own money. I get to buy them and I get to buy things for myself. It’s a way of self-care for me.”

Kasalukuyang napapanood si Mikoy tuwing Biyernes sa Bubble Gang at sa Pepito Manaloto naman tuwing Sabado.

MUSIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with