^

Pang Movies

Mark game sa mga namintas, fans umapelang tanggalin ang mga komedyante sa AOS

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang sagot ni Mark Bautista na “you are free to choose” sa Kapamilya fan na nag-comment ng “Forever Asap pa rin kami” sa post ni Mark sa Instagram na “Smile but type ‘LOL #ALLOutSundays #Aos.” Tama naman si Mark at ang Kapuso fans na nag-react sa comment ng Kapamilya fan, libreng mamili ang viewers ng show na gusto nilang panoorin tuwing Linggo.

  Anyway, nag-tweet si Mark ng “#Alloutsundays tag comments, suggestions and violent reactions here game!”

Ay ‘yun na nga, idinaan ng Kapuso viewers kay Mark ang feedback at suggestions para mas gumanda ang show. Prangkahan ang usapan na kinol ni Mark, kaya naging open ang fans sa kanilang feedback.

May mga nag-comment na hindi sila masyadong naaaliw sa concept ng AOS na hinaluan ng comedy skit ang show. Kung puwede raw, bigyan na lang ng bagong show ang mga komedyante at ibigay na lang sa singers/dancers ang AOS. Ang dami raw magagaling na singers ang GMA-7.

“We don’t need big stars like the other shows, we have great talents even though they are younger, the show just need a quality production numbers just like Studio 7! Make it more MUSICAL SHOW not comedy”  at “Please leave comedy with Bubble Gang and TBATS. Let your singers be heard and your dancers rock the dance floor. Let your new talents be seen.”

Binanggit ng Kapuso viewers ang mainstay sa AOS na gusto nilang maalis at palitan ng singers. Isa pang inirereklamo ng viewers ay ang limited time ng show na one hour and thirty minutes lang, too short for a musical show.

Hopefully, naiparating ni Mark sa creative team at kay director Miggy Tanchanco ang feedback at suggestions ng viewers na para nga naman sa mas ikagaganda pa ng AOS. 

Bea, binigyan ng surprise party

Napanood namin ang video ng surprise birthday party na binigay ng mga kasama niya sa I Am Hope organization na nabuo nitong Covid-19 pandemic. Gulat na gulat si Bea Alonzo nang pumasok sa function room ng isang venue na present ang mga taga-I Am Hope at ilang kaibigan.

Makikita rin ang maraming cakes, pastries at different dishes na  handa nila para sa 33rd birthday ni Bea. Kasama rin sa video ang kuha nang mamahagi ng donations sina Bea para sa parishioners ng isang parish sa Taguig. Namigay din sila ng 100 relief goods sa SOS Children’s Village.

Sa kanyang IG page, post ni Bea, “GRATEFUL HEART. Thank you for all the love and well-wishes yesterday. Even though we cannot be physically together on my birthday, you didn’t fail to make me feel special. Thank you.”

Mavy, mas magastos sa kakambal

Sabi ni Mavy Legaspi, between him and Cassy Legaspi, mas may ipon ang kanyang kakambal dahil hindi raw magastos. Siya raw ay magastos, pero ang bawi nito, ang binibili niya gaya ng mga damit ay ginagamit niya sa showbiz. Dalawa kasi ang shows ni Mavy at tama nga namang marami siyang damit para sa Sarap ‘Di Ba? at All-Out Sundays.

Ang katuwiran pa ni Mavy, alam naman ng parents niya na damit at gamit pang showbiz ang madalas niyang bilhin. Saka, ang pera raw nila ni Cassy ay galing sa trabaho nila at ang sarap daw ng feeling mag-shopping na sariling pera mo ang ginagasta.

Speaking of Mavy, happy siya kay Cassy na mayroon ng teleserye dahil kasama ang kapatid sa cast ng First Yaya at magti-taping na nga next month. Siya naman daw ay looking forward na makagawa rin ng teleserye at open na siyang magteleserye, unlike before na ang gusto lang ay mag-focus siya sa hosting ng variety at musical show at mag-host ng talk show.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with