‘Huwag nang maging nega...’
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 19, 2020 - 12:00am

Next week na ang Araw ng mga Patay at Kaluluwa na pumatak sa pandemic.

At nakakalungkot isipin na iniwan na tayo ng mga taong minahal at nirespeto natin. Wala na sina Manay Ichu Maceda at si Father Sonny Ramirez, mga naging guide natin sa buhay at nagbigay-sigla sa atin.

Parang kailan lang, pero ika-40 days na pala ni Manay Ichu. Si Father Sonny, tapos na ang pasiyam o 9th day ng padasal.

Life is so fleeting, so short, kaya parang aral sa atin na huwag nang sayangin sa anger o ego. Hayaan nating maging magaan ang buhay, hayaan nating araw-araw ay blessing at gratitude ang nadarama natin instead of hatred and discontent.

Learn not only to forget and forgive but detach to any feeling of negativity. Mas masarap pang non-entity ang turing mo sa mga bagay na kinaiinisan mo kesa mag-harbor ka ng negative feeling.

Make life a happy experience and existence, nang sa ganoon, your life on earth will be worthwhile and not a burden. Amen.

Raffy, never na malilimutan ni Donita Nose

Up to now, talagang hindi maalis ang pag­hanga ko sa ginawang tulong ni Raffy Tulfo kay Donita Nose? Can you imagine a person giving P500K sa isang tao bilang tulong kahit pa nga hindi niya ito naging kasama sa trabaho o naging empleyado?

I can just imagine kung gaano ka-generous si Papa Raffy sa mga tao at kasama niya, dahil kung nagawa niya iyon kay Donita Nose ay mas magagawa niya iyon sa mga empleyado niya.

Ang sarap sigurong magtrabaho ‘pag ganito ka-generous ang iyong boss, ‘yung pag kailangan mo, madaling mag-abot ng tulong, mabilis ang kamay sa pagbibigay.

Ang maganda pa, pati ang asawa niya ay binigyan ng P100K at ang anak nila nagbigay ng P50K dahil lang naawa sila na walang pambayad sa hospital si Donita Nose.

Talagang habambuhay na hindi malilimutan ni Donita Nose ang kabaitang ito ng mga Tulfo, ang kahit hindi niya nakasama sa trabaho, heto at tumulong sa kanya. 

RAFFY TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with