Daniel, hindi pa rin makahanap ng pakakasalan!
Daniel
Daniel, hindi pa rin makahanap ng pakakasalan!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 19, 2020 - 12:00am

Mukhang friends pa rin ang dating magkarelasyon na sina Heart Evangelista-Escudero at Japanese-Brazilian actor and model Daniel Matsunaga.

Noong nakaraang birthday ng mister ni Heart na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, kabilang si Daniel sa bumati rito sa pinost na photo ni Heart via Instagram.

Bumati si Daniel ng “happy birthday po.” Nag-reply naman si Heart in Portuguese na ”obrigado makako!” which translates to thank you.

Unlike Heart na nahanap na ang partner in life, wala pa ring natatagpuan na permanent partner si Daniel.

Nagkaroon ng relasyon sina Heart at Daniel noong 2010 habang ginagawa nila ang GMA teleserye na Langit Sa Piling Mo. Marami ang nag-akala na matutuloy na sa kasalan ang lahat after makilala ni Heart ang pamilya ni Daniel sa Brazil.

Pero in 2012 ay biglang naghiwalay ang dalawa na labis na ikinalungkot ni Daniel. Inabot ng ilang taon si Daniel bago ito nagkaroon ng girlfriend.

Nakarelasyon niya si Erich Gonzales noong 2016 after nilang magtambal sa ABS-CBN teleserye na Be My Lady. Pero 2017 ay naghiwalay ang dalawa.

Huling nakarelasyon ni Daniel ay ang Polish model na si Karolina Pisarek na nakilala noong 2017. Pero naghiwalay sila noong March 2020.

HEART EVANGELISTA-ESCUDERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with