Ice at Liza, itutuloy ang pagbuo ng baby!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 19, 2020 - 12:00am

Thankful ang singer-songwriter at actor na si Ice Seguerra sa kanyang adoptive brother na si Juan Carlos Seguerra dahil very hands-on ito sa pag-aalaga sa kanyang parents na sina Daddy Dick at Mommy Caring kasama ang isang caregiver.

Ang ama ni Ice ay may terminal prostate cancer na na-diagnose noong 2013 pa. Lahat na ng iba’t ibang treatment ay pinagdaanan na ni Daddy Dick including series of chemotherapy at radiation pero kumalat na sa kanyang buto at iba pang bahagi ng kanyang katawan ang cancer cells kaya milagro na lamang ang makakapagpagaling sa kanya. Pero sa kabila nito ay patuloy pa ring umaasa si Ice at ang kanyang pamilya na sana’y madugtungan pa ang buhay ng kanyang ama.

“Sa kabila ng kanyang kondisyon, nakukuha pa ring magbiro ng dad ko,” kuwento ni Ice.

Pinagbigyan din ni Ice ang hiling ng kanyang ama na bisitahin ang kanyang mga kaanak pati ang puntod ng kanyang yumaong mga mahal sa buhay sa kanyang hometown sa Calauag, Quezon.

Samantala, nagpapasalamat din si Ice sa suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang long-time partner, his wife na si Liza Diño-Seguerra. “Kumukuha kami ng strength at inspiration sa isa’t isa,” pag-amin ni Ice.

Hindi rin ikinakaila ng dating child star na nasaktan din umano siya sa mga naging akusasyon ng iba’t ibang tao laban kay Liza na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

“Parang sunud-sunod na bagyo ang dumating sa kanya. Pagdating ng bahay ay doon niya lahat ibinuhos ang kanyang nararamdaman and I have to admit na talagang iniyakan niya ang mga tira sa kanya na hindi naman totoo. Ang goal niya ay para sa ikabubuti ng industriya. Sana’y magkaroon ng pagkakaisa at hindi pagkakawatak-watak lalo na sa panahong ito ng pandemya,” pahayag pa ni Ice.

Sa pagbabalik-tanaw ni Ice, nagkakilala umano sila ni Liza sa taping ng isang TV soap when she was 16 at 18 naman si Liza. Pero at that time ay pareho pa umano silang may ibang karelasyon and they drifted apart na tumagal ng 13 taon.

Namalagi ng ilang taon sa Amerika si Liza, nag-asawa at nagkaroon ng isang anak na si Amara now 12 years old. Pero ang relasyon ni Liza sa dating mister ay nauwi sa hiwalayan.

Sa kabila na merong magandang trabaho sa Amerika si Liza, she decided na bumalik ng Pilipinas with her daughter. Hindi nito ikinakaila na na-miss umano niya si Ice at bigla niya itong naalala kaya nag-tweet siya rito na agad namang sumagot sa kanya and the rest ay history na.

Samantala, inamin sa amin ng couple na itutuloy pa rin umano nila ang plano nilang magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng artificial insemination. Naka-freeze na umano ang egg cells ni Ice gayundin ang sperm cells ng kanilang American male donor at ililipat na lamang kay Liza kapag ready na niyang ipagbuntis ang kanilang magiging baby.

ICE SEGUERRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with