^

Pang Movies

Rhian, kinilig kay Piolo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May mga kinilig nang mabasa ang “Bakit ang ganda mo” na comment ni Piolo Pascual sa post ni Rhian Ramos na nasa Belo Clinic siya at nagpapa-treatment. Sinagot siya ni Rhian ng “@piolo_pascual ayy mas blooming pag nakabasa ng ganyan! Lol!”

Sinundan pa ni Piolo ang comment ng “Belated happy bday too:)” dahil nag-birthday si Rhian noong October 3. Mabuti at wala pang fans nina Piolo at KC Concepcion na nag-react sa nag-comment na sana, sina Piolo at Rhian na lang. Friends ang dalawa na nagkasama sa pelikulang Silong at nakakatuwa na hanggang ngayon, friends pa rin sila.

Speaking of Rhian, mapapanood siya, simula na this Monday, 9:15 p.m. kasama sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa mini-series ng GMA 7 na I Can See You: Truly. Madly. Deadly. Gray ang karakter ni Rhian na sabi nito, nag-i-enjoy siyang gawin dahil hindi alam ng viewers kung bida o kontrabida at malalaman lang sa ending. 

Bea, pang-tropa lang ang sagot kay Dominique

Nagpakilig din si Dominic Roque sa “Happy Birthday” greetings kay Bea Alonzo na nag-birthday naman noong October  17. Comment ng shippers ng dalawa, “their ship is sailing” at wish nilang aminin na ng dalawa kung may relasyon na sila.

May mga kontrabida lang talaga dahil hindi raw sweet ang sagot ni Bea kay Dominic na “@dominicroque umabot!” dahil sagot daw pang-tropa o pang-magbarkada lang.

Baka naman, mas may sweet na birthday greetings si Dominic at may mas sweet ding sagot si Bea na hindi na nila pinost.

Pero, ang nagmamahal sa dalawa, ano pa man ang convo nina Bea at Dominic, basta kinikilig sila. Ang payo nga nila, mag-enjoy lang, stay in love at deadmahin ang bashers at haters.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with