Mga negosyante, nagiging host na rin
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

Napansin ko Salve na halos lahat ng friends natin ay may YouTube or Facebook shows na.

Para bang ibang excitement ang binibigay nito sa kanila aside from their very successful business and career.

Si Dra. Vicki Belo meron show sa YouTube at si Pinky Tobiano meron din sa Facebook. At excited sila sa ginagawa nila para sa kanilang show ha.

Busy man si Dra. Vicki sa kanyang clinic, at si Pinky sa pagiging chemist niya, basta araw ng show nila, nandun pa rin ang excitement nila. Nagkakaroon pa sila ng outside shoot, nag-iinterview ng face-to-face at talagang professional ang pag-handle nila ng kanilang respective online show, walang reklamo at mukhang enjoy sila.

Hindi naman siguro dahil sa kikitain nila bilang host ng show ang gusto nila. Malamang iyon lang diversion at kaibahan sa mga ginagawa nila, para bang escape nila sa mundo nila, another world for them, another experience.

So far maganda naman ang resulta ng kanilang mga program, talagang sinusundan ng followers nila, ng mga gusto rin nang naiibang tema ng palabas.

Follow and watch, Dra. Belo and Chemist Tobiano Robles sa kanilang mga program a online, YouTube at Facebook.

Labu-labo ngayong Linggo...

Labu-labo na ang laban ng Sunday show, Salve. Meron ang GMA 7, meron sa TV5 at meron ang Kapamilya sa A2Z Channel 11.

Alin ang mas mataas ang audience share? Ang mas meron sustaining strenght? Ang mas maganda para sa televiewers, dahil iba na nga ang presentation dahil sa pandemic.

Sino ang magiging mas matibay, mas magugustuhan,  mas kakagatin ng advertisers? Hayan na ang tunay na labanan ng mga network, ng mga star, pahabaan ng pisi ang labanan, at magiging survivor.

Saan pupunta ang audience? Sino mas tatagal na gusto nila?

A fight din between Piolo Pascual, Alden Richards at mga singer ng ASAP.

A fight between Kim Chiu and Maja Salvador. Star vs star, network between network, alin ang mas maganda ang presentation, sa over all presentation for the audience?

Winner dito ang televiewers, iyon manonood, kaya nga i-try natin panoorin ang lahat para makita ang difference.

Bigyan natin ng chance na maging mas maganda ang ating mga show dahil stiff ang competition dahil maganda ngayon ang scenery sa tv viewing.

Watch natin sila lahat.

VICKI BELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with