Noontime show, may matinding tapatan
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

Ateng Salve, kung isa lang ang TV mo, ano sa tatlong noontime show ngayong araw na ito ang panonoorin mo?

Ang ASAP Natin ‘To ba ng ABS-CBN na tambak ang mga artista dahil  family celebration daw ang kanilang noontime concert show sa cable, online at napapanood na rin  sa free TV sa pamamagitan ng A2Z Channel 11, o ang bagong Sunday Noontime Live o SNL ng TV5 na produced ng  Brightlight Productions ni Albee Benitez at pinangungunahan nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Donnie Pangilinan, Jake Ejercito at Miss Universe 2018 Catriona Gray?

Ay meron nga rin palang All Out Sunday ang GMA 7, ang Kapuso noontime variety show.

Feeling ko lang, tututukan ang Sunday Noontime Live o SNL sa TV5 para mahusgahan ang bagong show na pinamamahalaan ni Mr. M (Johnny Manahan), huh!

Eh, kung isa nga lang ang TV mo, may advantage ang ASAP Natin ‘To ng Kapamilya network dahil kung naka-tune-in  ka sa TV5 o GMA 7, puwede mong panoorin ang Kapamilya show sa YouTube channel o Facebook page nila at puwede rin namang sa iWantTFC app.

Anyway, kahit ano pang shows ang tutukan ngayong tanghali, panalong-panalo ang televiewers dahil ang dami nilang choices, huh!

Agree, Ateng Salve? ‘Yun na!

Farm nagiging tambayan na...

Naku, ang bongga lang ng The Farm at San Benito (Batangas) dahil puntahan talaga ‘yon ng mga celebrity.

Noong isang araw ay may nagtsika sa akin na nakita doon si Ivana Alavi.

Paboritong puntahan ang nasabing health and wellness place sa kasalukuyan.

Si KC Concepcion nga, napakatagal na doon, pero bumalik na yata ang panganay ni Sharon Cuneta sa condo nito.

Naaliw nga pala ako sa nag-text sa sighting niya kay Ivana dahil sabi ng source ko, “Nandito rin si Raymond Gutierrez” at wala akong idea na nagbabakasyon din doon. Tinanong ko nga si Raymond kung kasama ba siya sa group ni Ivana, pero kasama raw niya ang mga kaibigang sina Bubbles Paraiso at Nicole Anderson.Kaya biniro ko si Raymond na siya ang male counterpart ni KC na ang dalas magpunta sa nasabing lugar.

Pero in all fairness, nakaka-relax kasi talaga ang The Farm at San Benito na favorite place rin ng businesswoman/philanthropist na si Chemist Pinky Tobiano.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with