Ziggy, mahusay na agad sa alphabet
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

Bibung-bibo ang bunsong anak ni Marian Rivera na si Sixto o Ziggy dahil sa murang edad niya ay pinag-aaralan na ang pagbigkas ng alphabet.

Ipinasilip ni Yan ang video ng anak sa kanyang Instagram habang nanonood sa laptop at ginagaya ang pagbigkas ng alphabets. “ABC’s ala Sixto. Thank you anak for adding joy to our home #TuwangtuwaSiNanay,” caption ni Yan.

Bilang ina, malaking kaligayahan na nakikita ang lumalaking anak na madaling matuto.

Hindi nakapagtataka kung mas piliin ni Marian na manatili sa bahay kasama ang pamilya. Tutal naman, tuloy pa rin ang work from home niya at ‘yung flower business niya naman ay patuloy na lumalawak sa rami ng tumatangkilik, huh!

Mikee hindi na nagpapa-stress sa exam

EXAM week ni Mikee Quintos kaya nakadarama siya ng stress.

Eh nang malaman ni Mikee na bahagi siya ng bagong show ng GMA News and Public Affairs, naging motivation niya ito upang pagbutihin ang pag-aaral. “Stressful but kay. Nothing I can’t handle,” saad ni Mikee.

Si Kelvin Miranda ang kapareha niya sa series na The Lost Recipe. Bumilib siya kay Kelvin nang mapanood niya ang movie nitong Dead Kids. Kaya nang malaman na makapareha niya ang Kapuso actor, bulalas ni Mikee, “Uy! Puwede!”

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with