Anne umangal sa pagbabantay sa inang aktibista na namatayan ng anak
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

Maging si Anne Curtis na nasa Australia ay nag-react sa lumalabas sa mga social media platforms sa sinasabing masyadong mahigit na seguridad na ipinatupad ng PNP at BJMP sa naging libing ni Baby River, na anak ng aktibistang si Reina Mae Nasino.

Pinansin nila ang sinasabing mabilisang pagdadala sa labi ni Baby River sa sementeryo at hindi nasunod ang kagustuhan ng pamilya na idaan ang libing sa harap ng Court of Appeals at Supreme Court. Ganoon din naman ang hindi pagpayag ng mga jail guard na alisan ng posas si Reina Mae upang mayakap man lang ang kabaong ng anak, sa kabila ng pakiusap ng kanyang abogado at paring nag-misa.

Kung iisipin, may katuwiran naman ang pulisya. Una iniiwasan nila ang traffic kung idaraan pa iyon sa Padre Faura, lalo na nga’t araw ng Biyernes. Ikalawa, iniiwasan din nila ang malaking crowd, dahil kailangan nilang pangalagaan si Reina Mae. Hindi mo nga naman masasabi, maaaring may mga grupo rin ng mga terorista na targetin si Reina Mae at palabasing kasalanan iyon ng gobyerno. Kaya para matiyak na walang mangyayaring hindi maganda naghigpit sila.

Marami ngang mga tao, at maging mga celebrities na kagaya ni Anne na nagbigay ng hindi magandang reaksiyon sa mga nangyari. Ang sinasabi nila, para raw hindi na inunawa ang damdamin ng isang ina na namatayan ng anak.

Siyempre iba-iba ang reaksiyon ng mga tao sa pangyayaring iyan pero kailangan ngang unawain natin ang katuwiran ng magkabilang panig.

Hindi naman karaniwang nangyayari iyan sa mga paglilibing pero may nangyari nga kasing iba kaugnay niyan. At kung iisipin bakit nga ba ipipilit pang idaan iyon sa harap ng Court of Appeals at ng Korte Suprema?

Janella, pinagdududahang nanganak na

Nanganak na ba si Janella Salvador? Iyan ang binabantayan ngayon ng mga tao bagama’t wala namang kumpirmasyon mula kay Janella, sa sinasabing nakabuntis sa kanyang si Markus Paterson, at maski mula mismo sa kanyang ina na si Jenine Desiderio na buntis nga siya.

Pero ang itinatanong naman ng mga tao, ano ang ginagawa ni Janella na kasama pa ang kanyang ina at kapatid na nasa bahay nina Markus ngayon sa UK, nang walang sinasabing dahilan, kung hindi nga totoong buntis si Janella at balak nilang doon siya manganak.

Ang mga basher naman ni Janella, ibinlock na niya sa kanyang social media account. Sa account naman niya karapatan niyang mamili kung sino lamang ang makakabasa ng laman ng kanyang wall at kung sino ang nakakapagbigay ng comment doon.

Aktor may ka-hadang bading na doktor

Nakita na naman ang isang male star na sinasabing may gay politician lover, kahit na may asawa’t anak na siya, na kasama naman ng isang kilalang gay medical practitioner sa isang hotel sa Tagaytay.

Siguro ang paalam ng male star sa misis niya ay naka-lock in pa siya sa shooting ng indie na ginagawa niya. Pero ang totoo, ang gay medical practitioner ang “ini-indie” niya sa Tagaytay.

Nasanay na rin naman kasi siya sa buhay na may luxury talaga, kaya kahit na ano gagawin na niya para mai-maintain niya ang ganoong buhay para sa kanyang pamilya, at sa mga magulang at kapatid niyang umaasa pa rin sa kanya.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with