Barbie at Heaven, ‘di pinabayaan
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

Masaya ang cast ng bagong Kapamilya series na Bagong Umaga na muli ay mapapanood na ang ABS-CBN sa free tv via A2Z Channel 11. Aminado naman sila na talagang naging napakahirap at napakasakit para sa kanila ang pagkakatigil sa ere ng network last May na nasundan pa ng hindi pagkaka-renew ng prangkisa.

Paano nga ba nila hinarap ang bagong umaga matapos ang nangyaring shutdown ng ABS-CBN?

“’Yung nangyari po sa ABS-CBN,” ayon sa isa sa bidang si Michelle Vito at the zoom confe­rence held last Thursday, “mahirap po talaga siya at first and talagang doon kasi ako lumaki and doon natupad ‘yung mga gusto kong gawin, ‘yung passion ko, doon ko nagawa, ang laki ng tulong sa akin ng ABS, so mahirap po talaga siya nun’g nangyari talaga ‘yun.

“And until now kasi, nakikita ko pa rin ‘yung mga epekto pa rin sa ibang mga tao and sa kumpanya. But siguro, malaking bagay ‘yung matuto tayong mag-move forward, hindi po tayo dapat mag-stay du’n sa nangyari and kailangan tayong mag-isip ng ways, ng paraan kung paano natin malalampasan itong pagsubok na ‘to.”

Ayon naman kay Kiko Estrada, nalungkot din daw siya of course pero deep inside ay confident daw siya na makakabangon din ang network. “Because you know, you can’t put down a number one network,” he said. Kaya ang ginawa raw niya ay maging handa sa pagbabalik ng network. “Eat healthy and do home work-outs para if ever there’s a call for a show, I’ll be ready so, sumakto naman, and I’m so blessed to be a part of the show,” ani Kiko.

Ayon naman kay Barbie Imperial ay malaki rin daw ang utang na loob niya sa Kapamilya network kaya hindi raw niya alam ang gagawin niya nang mag-shutdown ito. Pero ang maganda raw ay hindi pa rin sila pinabayaan ng network at napakalaking bagay daw nito for her.

Same with Yves Flores na ni-recall pa ang gabi noong Mayo na nag-off-air ang ABS-CBN. “Naaalala ko nun’g gabing ‘yun, nanonood kami ng daddy ko, tapos nun’g nakita ko na nag-sign off ‘yung ABS-CBN, siyempre, malulungkot ka dahil nawalan ka ng tahanan. Pero bilib ako sa kumpanya namin, sa ABS-CBN dahil hindi kami pinabayaan, nagbibigay pa rin ng tulong-pinansyal at alam mo ‘yun, naniniwala ako na lahat naman tayo makakabangon.

“Di ba, nasanay naman tayo sa mga teleserye ng ABS-CBN na ang bida, la­ging nabubugbog sa una at nakakabangon? At naniniwala ako na lahat ay makakabangon at magiging masaya lahat,” pahayag ni Yves na isa rin sa lead stars ng Bagong Umaga.

For Heaven Peralejo na unang nakilala bilang housemate sa Pinoy Big Brother Lucky 7, hinarap daw niya ang bagong umaga sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanyang mother station. “What I did, sinuportahan ko ang ABS through online, kahit anon’g pwedeng gawin para makabangon nga. Siyempre ako, masasabi kong gusto kong maging Kapamilya forever. Kasi kung paano ako alagaan ng management, kung paano ako bigyan ng chance, opportunity, sa lahat, nandiyan po sila para gabayan ako.

“Kaya hindi ko sila iiwan, never ko po silang iiwan kahit anon’g mangyaring struggles,” pahayag ni Heaven who’s getting her biggest break ever sa Bagong Umaga bilang isa sa mga bida na mapapanood na simula sa Oct. 26 sa  A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 2-30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes. Kasama rin sa serye bilang isa sa lead actors ay si Tony Labrusca.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with