Siniguro ni Korina, Mar hindi na kakandidato sa 2022
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

Malinaw ang paliwanag ni Korina Sanchez sa tanong ng isang Kapamilya fan kung bakit kinailangan niyang umalis ng ABS-CBN at lumipat sa TV5 na ikinalungkot ng fan.

After this, wala na sigurong magtatanong kay Korina kung bakit nasa Kapatid Network na ang kanyang  Rated Korina.

“Nakakalungkot talaga. Kasi ilan lang ang pinili nila na i-retain  nila sa shows para sa kanil2a. Nag downsize sila. Pero ang paalam ko naman is open to them kung kakailanganin.”

Dagdag pa ni Korina, “Ilan lang ni-retain na shows ng ABS-CBN eh. Hindi kasama ang Rated K. Pero maganda naman ang paalam ko sa kanila and sabi ko tawag lang sila kung kailanganin nila ako.”

Ayan, malinaw na desisyon ng ABS-CBN na mag-downsize ng shows at artists, kaya hindi kasalanan ng artists na tumanggap ng offer sa TV5. Hindi na sinagot ni Korina ang isa pang comment na kapag malakas na uli ang ABS-CBN at makabalik na sa ere, hihintayin nila ang pagbabalik ni Korina sa ABS-CBN.

Samantala, nabanggit pala ni Korina sa isang interview na nabanggit sa kanya ng asawang si Mar Roxas na iiwan na niya ang pulitika, hindi na raw tatakbo si Mar sa anumang posisyon sa 2022 elections.

Paolo, natupad Ang pangarap kay Alden

Natupad ang dream ni Paolo Valenciano na maidirek sa concert si Alden Richards dahil si Paolo ang director ng Alden’s Reality (AR), on December 8, na selebrasyon din ng Kapuso aktor sa 10th anniversary niya sa showbiz. Noon pa nabanggit ni Paolo na gusto niyang maidirehe si Alden at natupad na nga dahil siya ang kinuha ng Synergy, producer ng concert in collaboration with GMA Network.

Bagay kay Paolo na idirehe ang concert dahil sa concept nitong first ever virtual reality concert in the Philippines.

Intriguing din ang sinasabing “shot in 360-degree, concertgoers not only have access to front-row view, but they are also in for an immersive experience from the comforts of their home.”

May isa pang dream si direk Paolo na Kapuso actress/singer na gustong idirehe at hindi pa natutupad, ito ay idirek din si Julie Anne San Jose sa isa ring concert. Looking forward si Julie sa collab nila ni Paolo at sana matupad.

ABS-CBN KORINA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with