Mga artista, ‘di na maka-raket ‘pag rest day
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 17, 2020 - 12:00am

Nawala na ang ugali ng masisipag na artista ‘yung lagare system. Mahirap maglagare dahil nga sa health protocols. At dahil lock-in, hayun sa medyo malayo ang location para kahit papaano ay may fresh air ang mga kasaling tao sa production.

Matatawa ka, dahil ‘yung iba na naka-lock in ay ugali na sana ‘yung rest day ay puwede pa nilang ilagare, eh hindi nga puwede dahil imposible na sa swab test at paghihintay ng result, isali mo pa na quarantine, kaya paano ka tatalon sa ibang set. Hah hah .

Kahit na nanghihinayang ang mga artista sa rest day nila, wala, talagang rest day ang nangyayari. Maganda sana, kaya nga lang, hindi naman lahat merong trabaho.

Sana all, para naman hindi mainggit ‘yung iba sa may mga guaranteed contract na kahit wah work, may pay, at ang laki pa ng TF nila ha.

Ngayon siguro mag-iingat na sa kontrata ang mga network, wala na ‘yung guaranteed, exclusive ka lang pero show guarantee na lang, ‘yung puwede kang bigyan ng dalawang show sa isang taon, at 10 guestings.

Kasi nga, ngayon siguro nila nakita na ang laki ng short fall sa talents na binabayaran mo kahit walang ginagawa. Cost cutting na rin dahil wala ring forever, ‘pag merong problema, tatalon din sa ibang network, hindi naman maghihintay at magtitiis. Reality bites. 

Alden, iba na ang haGod ng boses

Palagay ko ‘yung virtual concert ni Alden Richards ay magiging bonggang-bongga. Kasi nga excited si Alden dahil noon pang hindi mo naiisip na magkakaroon ng pandemic ay talagang gusto na niya na maghandog ng concert sa fans niya bilang pa-thank you sa suporta ng mga ito sa kanyang career.

Talagang sobra-sobra ang energy ni Alden na kahit tambak ang trabaho, heto tuloy pa rin ang virtual concert.

Tiyak na ang saya nito dahil pinaghahandaan niyang mabuti, at ngayon ngang mas maganda ang hagod ni Alden sa mga kinakanta niya dahil matagal na-practice ang nagawa niya dahil nga napahinga kahit papaano during the lockdown.

Sure ako na as of now, excited na ang fans ni Alden.

HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with