^

Pang Movies

Ayaw pabalikin ng Showtime… Mariel, pinagbabantay ng dolomite beach

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ayaw pabalikin ng Showtime� Mariel, pinagbabantay ng dolomite beach
Mariel

Pinalagan ng Kapamilya fans ang pahayag ni Mariel Rodriguez na “ABS-CBN is my Home. In my mind and in my heart. When the time is right, I will be back” bilang sagot sa tanong ng isang netizen kung babalik pa ba siya sa It’s Showtime.

Ang dami agad ang nag-react at majority sa mga comment, ayaw na nilang bumalik pa sa ABS-CBN at sa It’s Showtime si Mariel. Saka, hindi na raw siya tatanggapin ng istasyon dahil noong hearing ng franchise renewal ng network, hindi man lang daw nagsalita at sumuporta si Mariel sa mga kasama niyang Kapamilya stars para ipagtanggol ang ABS-CBN.

May nag-comment pa na noong isinara ang ABS-CBN, tikom ang bibig ni Mariel at ngayong unti-unti nang bumabalik ang network, saka raw magpapahayag si Mariel na sa tamang oras, babalik din siya.

May nakakatawang comment pa na “wag ka na bumalik dun ka na lang kay Robin Padilla” at “huwag na. Bantayan mo na lang ang Dolomite beach” at ang mas nakakatawang comment na “naku wag na di na kailangan ang paos mong boses.”

Anyway, hindi na rin naman sineseryoso ni Mariel ang mga ganitong banat, alam siguro nito na hindi nagpapadala ang ABS-CBN management sa mga ganitong usapin.

Rhian, lumakas na uling kumain

Big deal talaga sa netizens ang pagpayat ni Rhian Ramos dahil hanggang ngayon, nakakabasa pa rin kami ng comments na dapat magpataba pa siya, na kumain siya ng marami at ‘wag magpapagutom para bumalik ang 15 lbs. na nawala sa kanya. Ito’y kahit sinasabi ni Rhian na she’s eating more at eating healthy.

Hindi siguro titigil ng pakikialam ang netizens at kanyang fans sa weight ni Rhian hanggang hindi siya nakikitang mataba uli o kahit magkalaman lang. ‘Yung hindi na raw malalim ang kanyang collarbone sa kapayatan.

Speaking of Rhian, isa sa mga rason kung bakit tinanggap niya ang I Can See You: Truly. Madly. Deadly mini-series ay dahil sa dark/gray role ng kanyang karakter na si Abby. “Unang sabak ko ito sa trabaho after ng lockdown. Ang daming nagbago sa mundo, saka parang ang tagal na noong last taping ko. Kaya, I was asking Dennis (Trillo) for tips. Okay naman ang taping namin, mas malala ang ini-expect kong taping,” sabi ni Rhian.

Thea, bibida rin

Hala, may mga nagre-react na Kapuso fans, bakit daw mas nauna pang mabigyan ng lead role si Mikee Quintos kesa kay Thea Tolentino na isa sa magaling na aktres ng GMA 7? 
  Magkasama kasi sina Thea at Mikee sa The Lost Recipe ang kaibahan lang, si Mikee ang bida at si Thea ay kontrabida.

Saka, nagbibida rin naman si Thea, gaya sa episode ng Magpakailanman this Saturday na pinamagatang Sign Language of Love. Gaganap siyang teacher sa school for the deaf at estudyante niya si Jeric Gonzales na magkakagusto sa kanya.

Para nga mas magampanan nang mabuti ang kanilang role, dumaan sila sa workshops para matuto ng sign language. Ngayong Sabado na, 8:15 p.m., ang Sign Language of Love sa #MPK after ng The Clash.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with