Assunta, handa nang manganak
Assunta
Assunta, handa nang manganak
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 17, 2020 - 12:00am

Any day this month ay nakatakdang isilang ng Fil-Italian actress na si Assunta de Rossi ang kanilang magiging first baby ng husband niyang businessman at dating politician na si Jules Ledesma, her husband of sixteen years.

Baby girl ang magiging first baby nina Assunta at Jules na may naghihintay nang pangalang Fiore (Italian name for flower) na 16 na taon nilang hinintay na dumating sa kanilang buhay.

Although may dalawang anak si Jules sa namayapa nitong unang misis, first time nila ni Assunta si Baby Fiore na nakatakdang isilang via CS (Caesarian section).

Si Baby Fiore rin ang magiging kauna-unahang pamangkin ng younger sister ni Assunta na si Alessandra at dalawa pa niyang younger sisters na sina Isabel at Mar­gherita na parehong nasa Italy kasama ang kanilang parents na sina Luigi at Nenita Schiavone.

Martin, tanggap na ang new normal

Pagkatapos ng 38 taon, bumalik ang Concert King na si Martin Nievera sa kanyang original home recording studio, ang Vicor Music, isa sa mga kum­panyang pag-aari ng Viva Group of Companies na pinamumunuan ni G. Vic del Rosario Jr.

It was in August 18, 1982 nang lumagda ng recording contract si Martin sa Vicor at doon din nagsimula ang kanyang pagiging major recording star kung saan nagkaroon siya ng sunud-sunod na hits tulad ng Be My Lady (his signature hit song), Holiday, Pain, at marami pang iba.

Pagkalipas ng 38 taon, balik-Vicor si Martin na pinamumunuan ngayon ng young grandson ni Boss Vic na si Verb del Rosario (anak ni Vincent del Rosario, President and COO of Viva Group of Companies).

Salpukan sa variety shows, umpisa na bukas

Alam mo, Salve A., mula ngayong linggo, October 18 ay tatlong musical ­variety shows na ang mapapanood ng televiewers  – ang longest-running Sunday show na ASAP Natin `To ng ABS-CBN na napapanood na rin sa A2Z Channel 11 (free TV) at iba’t ibang digital, cable at social media platforms, ang All-Out Sundays ng GMA at ang bagong magsisimula sa TV5, ang Sunday Noontime Live (SNL) na tatampukan nina Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador, Donny Pangilinan at Jake Ejercito na pamamahalaan ng co-founder at dating head ng Star Magic, ang veteran director na si Johnny Manahan.

Bukod kina Piolo, Maja, Donny at Mr. M (Johnny Manahan), halos lahat ng bumubuo ng production staff ng Sunday Noontime Live at iba pang production staff ng Brightlight Productions na pag-aari ng businessman at dating politician na si Albee Benitez ay nagmula sa programang ASAP at sa ABS-CBN.

Sa kabila ng pandemya ay buhay na buhay na naman ang tapatan ng tatlong magkakaibang networks.

Alin kaya sa tatlong Sunday musical programs ang mas papaboran ng mga manoood?

ASSUNTA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with