Carlo, nagbenta ng longganisa sa Amerika
Carlo
Carlo, nagbenta ng longganisa sa Amerika
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 17, 2020 - 12:00am

Para sa kanyang online show na Just In, na-interview ni Paolo Contis ang kasabayan niyang aktor sa ABS-CBN na si Carlo Muñoz na based na sa US kasama ang kanyang pamilya.

Nag-migrate si Carlo kasama ang actor-brother niyang si Leandro Muñoz sa US noong 2003. Isa sa in-demand na actor noon si Carlo pagkatapos nitong manalo ng ilang acting awards para sa 2001 film na Yamashita: The Tiger’s Treasure.

Na-launch si Carlo noong 1996 bilang isa sa members ng Star Circle Batch 6. Naging household name siya nang magbida siya sa PLDT TV commercial series na Hello Billy! mula 2000 hanggang 2001.

Si Carlo ay pamangkin ng yumaong veteran actress na si Tita Muñoz.

Ilan sa mga shows na ginawa ay Tabing-Ilog, Pangako Sa Yo, at Bituin. Nakasama naman siya sa mga pelikulang Narinig Mo Na Ba Ang L8est?, Got 2 Believe, Jologs, Dekada ‘70 at Sanib.

Sa paglipat ni Carlo sa US, no regrets daw siya na iniwan niya ang showbiz at the height of his career. “Balak lang namin magbakasyon noon ni Leandro after our dad passed away. Noong nandito na kami, we grabbed the opportunity na magsimula ng bagong buhay sa Amerika. No regrets that we left showbiz kasi masaya at naging maayos naman ang buhay namin dito.”

Kinasal sa US si Carlo sa former ABS-CBN actress na si Meg Reyes at may tatlo na silang anak.

Kasalukuyang administrator sa isang nursing home si Carlo. Hindi siya nahiyang aminin na nagtrabaho siya noon sa Amerika bilang warehouse stocker, bottle factory worker and on the side, nagbenta siya ng longganisa sa mga kapwa Pinoy niya sa Amerika.

Huling lumabas sa teleserye nina Kim Chiu at Xian Lim na The Story of Us noong 2016 si Carlo na kinunan ang ilang eksena sa US.

Nicole Kidman, aminadong nainggit kay Julia

Kahit isa sa sikat at mahusay na aktres sa buong mundo si Nicole Kidman, inamin nito na nakakaramdam ito ng insecurity.

Sa naging interview ni Nicole para sa HBO limited series na The Undoing, ni-reveal nito na inasam niya noon ang role na Anna Scott sa 1999 romcom na Notting Hill dahil gusto niyang makasama sa pelikula si Hugh Grant.

Pero ni-reject daw siya ng casting director dahil si Julia Roberts na raw ang napili nila. Pakiramdam tuloy ni Nicole ay kulang pa ang kakayanan niya bilang aktres.

“I really wanted the role that Julia Roberts played in Notting Hill. But I wasn’t well-known enough and I wasn’t talented enough. It would have been the most beloved performance of my career,” sey ni Nicole.

Pero through the years, may napatunayan na si Nicole bilang isang box-office star at ilang acting awards na ang napanalunan nito, kabilang na ang Oscar best actress for The Hours in 2002 at ang Emmy Awards para sa Big Little Lies in 2017.

Si Hugh Grant ang kasama ni Nicole sa The Undoing.

CARLO MUñOZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with