^

Pang Movies

Piolo, hindi kinakalaban ang Dos

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maraming humuhula na bobongga ang TV5, dahil madadala ito ng mga bigating artista na galing sa Kapamilya. Mga sikat kasi ngayon ang nakapasok sa naturang network sa pamamagitan ng mga blocktime producers.

 At ‘yung iba nga palang netizens ay hindi na dapat magpatutsada kay Piolo Pascual na hindi pala loyal sa ABS-CBN ang actor dahil lalabas din sa Singko.

Kung sila kaya ang nasa katayuan ni Piolo, tatanggihan kaya nila ang alok ng Brightlight Products ni Albee Benitez?

And besides, hindi naman kinakalaban ni Piolo ang Dos. Artista lang si Piolo at hindi siya ang producer na tumatapat. Tao lang ang mga artistang umaalis, may pangangailangan din ang pamilya nila na kailangang tustusan.

Heart, pinaghirapan ang mga bag

Naaasiwa raw ang ilang netizens kapag pulos Hermes bag at iba pang uri ng mamahaling bag ang isyu ni Heart Evangelista.

Milyones daw ang halaga ng collection of bags ng aktres.

Sa panahong ito ng taghirap, tila wala raw yatang interes ang mga netizen na pag-usapan ito. Sino raw ba ang magdadala ng ganitong uri ng bag kung pulos jobless ang mga kausap mo? Well, wala na nga naman tayong pakialam sa halaga ng mga koleksyong ito ni Heart dahil pera naman niya ang ginagastos niya rito.

Hindi rin naman natin makukuwestiyon ang pagtulong ni Heart sa mga nangangailangan, common knowledge naman ang ginagawa nitong pag-ayuda lalo na sa mga kababayan nito sa Sorsogon bilang asawa ni Gov. Chiz Escudero.

Dating beauty queen, lutang pa rin ang ganda

Masaya ang dating beauty queen Mutya ng Pilipinas Rosemarie de Vera sa kanyang buhay ngayon sa America. Happily married na siya kay Giovanni Javier at malalaki na ang mga anak nila.

Noong wala pang COVID attack, nagbalik-bayan si Rose bilang guest sa reunion ng Mutya ng Pilipinas winners. Isa siya sa lumutang ang beauty noon at talagang na-maintain niya ang figure at hindi tumaba tulad ng ibang dating beauty queens.

Todo raw ang pagpunta sa gym ni Rose at maingat sa pagkain. At nagkikita pala sila roon sa States ng kapwa mga ex beauty queen/actress na sina Jennifer Cortez, Jean Saburit at paminsan-minsan si Azenith Briones.

May negosyo si Rose - importer ng rice.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with