Mala-Korean drama, gagawin ng Brightlight sa TV5
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 16, 2020 - 12:00am

Ang talagang plano ng Brightlight Productions ay mabigyan ng ibang klaseng shows ang televiewers na combination ng utak nina Papa Albee Benitez at Atty. Joji Alonzo.

Both Papa Albee and Atty. Joji are lovers of cinema, kaya alam na alam nila ang changing taste ng viewers. Alam na nila now na ang gusto na ng mga tao ay smooth storytelling tulad ng mga Koreanovela, na center na ngayon ang story at content ng palabas kesa sa panahon na star centered at ang gusto lang ay ‘yung loveteam standard na palabas.

Ngayon nga kahit hindi mo kilala ang Korean stars, pinapanood mo ito dahil ang story ang gusto mo. Iyon ang goal ng Brightlight, bigyan ng ibang flavor ang nakagawian na nating panoorin. Dahil kilala si Atty. Joji sa mga magagandang project ng Quantum Production niya, ito ang gusto niyang maging vision for the new company, at dahil cinema lover si Papa Albee, gusto niyang suportahan ang kahit paano ay pagbabago ng taste ng televiewers at nanonood ng pelikula.

Big dream, pero malay natin, dahil nga sa aggressive at very focus na determination ng Brightlight ay mabigyang katuparan ang plano na ito, then TV5 will be the home for a new wave of shows produced by Brightlight.

And remember, ang PR girl ng kumpanya na si Pat-P Daza ay fan din ng magagandang shows, ito ang team that will bring change.

Welcome and good luck. 

Khalil at Gabbi, may kilig

Maraming kilig na kilig dahil Kapuso na si Khalil Ramos at magkasama na sila ng girlfriend niyang si Gabbi Garcia sa GMA 7.

Sabagay, cute naman talagang tingnan ang dalawa at bagay na bagay, kaya siguro kahit si Yani ay excited.

Mahusay na actor si Khalil kaya maganda siyang karagdagan sa rooster ng mga young actor ng GMA 7 at ng GMA Artist Center. Hindi rin kataka-taka kung sakali at isulong mabuti ang pagbuo ng loveteam nila ni Gabbi. Magkakaroon na naman ng bagong putahe ang mga serye dahil heto at meron ng dagdag na talent sa kuwadra.

Bongga, magandang move para kay Khalil, at bagong senaryo para kay Gabbi. Kiligin ka na, Yani, at magtayo ng fans club ng dalawa, hah hah hah.

GABBI GARCIA KHALIL RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with