Sanya, sinuwerte kahit may pandemya
Sanya
Sanya, sinuwerte kahit may pandemya
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 15, 2020 - 12:00am

Talagang ang suwerte ni Sanya Lopez ngayong 2020 ha. Imagine, ma-ging leading men mo sina Bong Revilla at Gabby Concepcion sa dalawang TV shows ngayong panahon ng pandemic, tunay ngang blessing sa langit na maituturing.

After this two big breaks sa career niya, puwede nang sabihin na nasa top list na siya ng leading ladies na pagpipilian.

Focus kasi sa kanyang career, kaya hindi kataka-takang mabigyan ng malalaking projects, at siguro nga masarap katrabaho kaya naman welcome ang lahat ‘pag pinipili siya bilang cast ng anumang project.

Well, break a leg Sanya, malaking challenge ang hinaharap mo. Good luck. 

Amity or Amityville?

Iniisip ko ang trabaho ng isang PR o press relation officer. Ano ba ang mas mabuti ‘pag nasa PR business ka, maging Ms. Amity o Ms. Amityville?

Maging sweet o stern? Iyon bang PR job para ring pag-discipline sa bata, dapat ikaw mismo as PR merong sariling branding bago mo makuha ‘yung clout o circle of friends na makakatulong mo sa trabaho.

Dapat din i-qualify mo ‘yung Yes at ‘yung No, is it a No/Yes or a Yes/No? Puwede kasi na you are accepted, but you will never belong. ‘Yung mga inaalagaan mo will either benefit from your rank in your group, o baka maging disadvantage ka pa sa kanila.

Suwerte mo kung kahit gungho o barok ang style mo, sumisikat pa rin ang mga alaga o hawak mo, at least ‘yung luck na inalagaan mo ang umaandar.

Siguro sa PR ok din ‘yung maayos ang takbo ng pamamahala mo, very corporate dahil magiging dependable ka, pero sa showbiz, kahit plantsado ang lahat, mas emotionally driven ang pagha-handle, kaya siguro, basta kilala ka na professional kausap iyon na rin ang branding mo.

Dapat lang talaga, mauna muna na makuha mo ang respeto ng grupo, then madali na ang susunod. Dapat hindi ka intimidated ng kahit ano at kung sino, maniwala ka sa sarili mo para confident ka sa dealing.

Pinakamasarap ang PR job because you deal with people, you grow with them and you learn from your dealing. But most of all, dapat kahit gungho at barok ang style mo, kilala ka na may isang salita, dapat confident ka sa relationship mo, at dapat ganoon din ang feeling ng mga taong ka-deal mo.

Remember, you are only good as long as you are relevant and still usable, so remain having a premium in your head. Ms. Amity or Ms. Amityville, parehong puwede. 

 

 

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with