^
Billy, laging may kaba   SOME LIKE IT HOT   Vinia Vivar
Billy

Billy, laging may kaba SOME LIKE IT HOT Vinia Vivar

(Pang-masa) - October 15, 2020 - 12:00am

Kahit dalawa agad ang shows ni Billy Crawford sa TV5 (Masked Singer Pilipinas and Lunch Out Loud produced by Brightlight Productions), ayon sa TV host ay hindi naman ito dahilan para mawalan siya ng time sa kanyang pamilya especially now na isa na siyang ama at kapapanganak nga lang ng first baby nila ni Coleen Garcia.

“Ang pinakaimportante, I get to manage my time,” aniya sa Zoomcon kahapon for his new noontime show, Lunch Out Loud, “alam n’yo po, ‘yung taping hours naman po, hindi katulad ng dati, kasi we still have to abide by all the rules and regulations about the swabbing.”

Pero hindi raw talaga maiiwasan na may kaba factor din because of the pandemic. At dahil nga isa na siyang ama, kapag nasa trabaho siya, pakiramdam daw niya ay laging gusto niyang umuwi na.

“Alam n’yo ‘yung pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang du’n, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.

“Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para matawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin,” he said.

Of course, we all know na galing sa It’s Showtime si Billy at ngayon nga ay magkakatapat na ang dati at bagong noontime show niya plus, ang Eat Bulaga pa na longest-running noontime show. Nilinaw naman ng TV host na hindi raw sila nakikipagkumpetensiya sa mga nauna na.

“We’re not trying to compete, hindi po kami nakikipagkumpetensiya dahil may mga talagang sobrang nauna na po sa amin talaga. ‘Yan po ang Eat Bulaga, pati na rin ang It’s Showtime. We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo. Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming paratingin sa buong mundo na unity is more important and humility,” he said.

Natanong nga rin namin si Billy kung mapapanood na rin ba si Coleen sa TV5 at kung ready na ba ito to get back to work at ayon sa TV host, sobrang hanga nga raw siya sa kanyang misis.

“Hindi naman maiiwasan ‘yung pakiramdam ni Coleen na gusto niyang bumalik sa trabaho pero talagang du’n po talaga ako humahanga sa kanya as in saludong-saludo po ako sa kanya, ‘yung lahat ng sakripisyo niya para sa anak namin. As in halos every 30 minutes or every 2 hours, she’s breastfeeding.”

Kaya thankful naman daw siya na nabigyan ng pagkakataon si Coleen na magpahinga and be a mom. Kung magkakaroon daw ito ng offer ay ito raw ang bahalang mag-decide dahil pagdating naman daw sa career ay hindi sila nagpapakialaman.

Kasama rin ni Billy sa LOL sina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero and Macoy Dubs. Magsisimula na ang airing nito ngayong October 19 at mapapanood Monday to Saturday, 12 to 2 p.m.

 

 

BILLY CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with