Sharon, may pelikula pang gagawin kasama si Robin
Robin
Sharon, may pelikula pang gagawin kasama si Robin
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 14, 2020 - 12:00am

Matapos malungkot ang  Sharonians nang magpaha­yag ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ng kanyang planong pagre-retire from showbiz after being in the business for over four de­cades, sumaya naman uli ang mga ito dahil nga hindi naman pala total retirement ang gagawin ni Sharon.

Tatapusin pa rin niya ang mga commitment niya.

At 54 (turning 55 on January 6, 2021), napakabata pa nga ni Sharon para magretiro lalo pa’t marami pa siyang puwedeng gawin hindi lamang bilang singer-performer kundi bilang actress.

Sa pagkakaalam namin, may pelikula siyang nakatakdang gawin sa bakuran ng Viva Films, her former home studio at kabilang rito ang reunion movie with Robin Padilla pero dahil sa pandemya ay pansamantala itong na-hold.

Si Sharon ay huling napanood noong isang taon sa pamamagitan ng isang indie movie na Kwaresma under Reality Entertainment but her biggest movie to date ay ang reunion movie nila ni Robin Padilla sa bakuran ng Star Cinema, ang romantic-comedy movie na Unexpectedly Yours na dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina na kumita sa takilya ng mahigit P249M.  She also had a two-night  successful back-to-back concert with Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Araneta Coliseum, ang Iconic in October 2019.  Dapat sana’y magkakaroon ng Iconic concert tour sa Amerika this year pero ito’y nakansela dahil sa pandemya.

Marami pang concert collaboration ang puwedeng gawin ni Sharon gayundin sa pelikula kaya tama ang desisyon niyang ‘wag munang tuluyang talikuran ang showbiz na kanyang kina­lakihan since she was 12 years old.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with