^

Pang Movies

Sharon, Regine at Juday, itutuloy na ang pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, Regine at Juday, itutuloy na ang pelikula
Sharon, Regine at Juday

May plano pala sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez at Judy Ann Santos na gumawa ng pelikula na magkakasama. Nalaman ang tungkol dito nang mag-comment si Judy Ann ng “Ate!!! Paano na pelikula nating tatlo ni Regine!!!???!”

Sinagot siya ni Sharon ng “@officialjuday Tara! Kulitin na natin! Hahaha! Miss you so much sis ko. I love you @reginevalcasid” at “@officialjuday Pano yan sa bahay mo na lang?! Ngek! Hahah!”

Nag-react agad ang fans ni Regine sa convo nina Sharon at Judy Ann at wish nilang ituloy ng tatlo ang balak nilang pelikula. Regalo na lang daw nila sa kanilang   fans at hindi pa man natutuloy ang pelikula, nangako na ang fans na susuportahan nila ang tatlo ‘pag natuloy sa pelikula.

Sabagay, hindi naman pala agad magreretiro si Sharon sa showbiz dahil may mga kontrata pa raw siyang kailangang tapusin. Hinihintay pa niyang magkaroon  ng vaccine sa COVID-19 bago siya magtrabaho, kaya matagal pa bago niya talikuran ang showbiz, ang concert scene at ang paggawa ng pelikula.

Sanya, may budget na sa furnishing ng bahay

Nakakatuwa ang comments ng ilang Kapuso fans tungkol sa pagkakapili ng GMA Network kay Sanya Lopez para ipalit kay Marian Rivera sa bagong tele­serye ng istasyon na First Yaya.  Dahil daw sa matatanggap ni Sanya na talent fee mula sa serye, makukumpleto niya ang furnishings sa bago niyang bahay at hindi na raw nito kailangang mag-ipon ng ilang buwan.

Idagdag pa raw ang talent fee ni Sanya sa Agimat ng Agila ang show nila ni Sen. Bong Revilla na malapit na ring mag-resume ang taping, magiging bongga raw ang bahay ni Sanya.

May share na nga si Jak Roberto sa bahay dahil siya ang bumili ng tiles na ginamit sa taas ng garahe na ginawa nilang balkonahe. Biro ni Jak, nagsisi siya kung bakit pa siya nag-suggest na ipaayos ang taas ng garahe, siya rin pala ang gagastos.

Samantala, sa interview kay Sanya sa 24 Oras, nabanggit na inaaral na niya ang karakter ni Yaya Melody at nasa proseso na siya nang paghahanda para gampanan ang kanyang karakter. “Gagalingan ko ang pagganap kay Yaya Melody, sana mahalin ako at si Yaya Melody ng tao. Pangako, pasasayahin ko kayo,” pangako ni Sanya.

Mark, asawa na ang tawag kay Nicole

Ang laki na ng tiyan ni Nicole Donesa sa bagong photos na kanilang pinost ni Mark Herras sa kani-kanyang Instagram. Sa post ni Nicole habang hawak ang tiyan, no need for her to put caption, sapat na ang litratong ‘yun.

Si Mark naman, maganda ang napiling picture nila ni Nicole at ang caption na “My wife & my corky dream come true.” Sabi tuloy ng netizens, kasal na ba sina Mark at Nicole, kaya kampanteng tawaging “my wife” ni Mark ang kanyang partner?

Sa January 2021 isisilang ni Nicole ang baby boy nila ni Mark, kaya naman sobra ang tuwa ni Mark na may baby girl na. Malaki na siguro ang panganay ni Mark na nasa poder ng ina nito.

Siyanga pala, napansin namin na naka-set sa “comments on this post have been limited” ang IG nina Mark at Nicole, malungkot tuloy ang bashers, hindi sila makapag-comment. May bashers pa namang ang goal sa buhay ay mang-inis at manggalit ng mga celebrity.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with