^

Pang Movies

Vice, bawal nang mambalahura

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Vice, bawal nang mambalahura
Vice

Tiyak naninibago ang followers ni Vice Ganda sa muling pagbabalik ng It’s Showtime sa free TV via A2Z Channel 11. Bawal na kasing manlait ng contestant si Vice at bawal na rin ang bad jokes, dahil Christian station ito kaya walang balahuraan.

Well, tingnan natin kung paano ito matatagalan ni Vice.

Teka, parang hindi yata maganda ang pagdi-display niya ng sobrang mga naipon sa pinagagawa niyang bahay. Imagine, bath tub lang ay almost P1M na? May nagtanong nga na made of gold ba raw ang naturang paliguan?

Hindi timing para ibandera niya ang mga ganun mamahaling mga kagamitan sa lilipatan niyang bahay gayung naghihikahos ang mga tagahanga niyang nawalan ng trabaho.

Dapat daw sa isang idolo ay makisama sa nararanasan ng mga taong nagpayaman at nagpasikat sa kanya. Kawawa naman ang mga taong hindi makabili ng pangangailangan nila.

Well, sana ay maging sensitive si Vice kahit na nga sabihing pera niya naman ‘yun at wala tayong pakialam kung saan niya ‘yun gustong waldasin.

Beverly, busy sa Canada

Nakakuwentuhan namin ang dating aktres na si Beverly Vergel na ngayon ay naka-base sa Toronto, Canada.

Nakasabay namin siya noon na pumunta sa wake ng showbiz icon na si Amalia Fuentes at nalungkot noong malamang wala man lang nakaalala sa death anniversary ni Nena.

Samantala, ang idinirek na unang pelikula ni Beverly sa Canada titled Living Instead at nanalo pa ng award sa filmfest na ginanap sa US at Canada.

Bukod sa pelikula, nakagawa na rin siya ng docu film doon.

Ngayon ay may tinutulungan siyang baguhang actor, si Cesar Marquez na kung tawagin ni Nap Alip ay Coco Martin dahil may potential daw ito at kahawig nga ni Coco.

Sana nga ay makapunta ng ‘Pinas si Cesar nang mahusgahan.

Angel, maganda pa rin

Marami ang nagulat sa lumabas na litrato ni Angel Locsin na ipinost ng isang netizen, kung saan makikitang malaki talaga ang dinagdag sa timbang nito.

Hindi na problema kung tumaba man si Angel. Maganda pa rin naman siya.

Sinasabing dahil daw ‘yun sa gamot na iniinom nito kaya siya tumaba pero walang pakialam ang fans kung tumaba man ito, dahil common knowledge naman ang pagiging mabait at matulungin ng aktres.

Isa si Angel sa pinakamaraming natulungan at nabigyan ng ayuda ngayong may panahon ng pan­demya.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with