Sharon, never maLIlimutan ng showbiz
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 13, 2020 - 12:00am

Balita na naman na gusto nang mag-retire ni Sharon Cuneta. Ilang beses na niyang binalak na iwan muna ang showbiz pero hindi natutuloy. Baka ngayon na nakita niya ang hindi magandang kalagayan ng industriya, nag-decide siya na mag-retire na nang tuluyan.

Sabagay, sa rami ng achievements na nagawa ni Sharon sa showbiz, her retiring will be a good move for her, dahil kahit wala na siya, she will always be remembered. Mas maganda na nga siguro na siya ang umalis, while still strong sa memory ng mga mahilig sa showbiz, at talagang masasabi mong nasa top of the line pa.

Siguro nga ay naging malaking disappointment sa kanya ‘yung hindi pagkatuloy ng mga nakaplano niyang concerts dahil nga sa pandemic. At hindi rin naman magandang gumawa ngayon ng movies, dahil sa kalagayan ng movie houses.  Perfect time for retirement kung kagaya ni Sharon Cuneta na financially secured, at asawa pa ni Senador Kiko Pangilinan.  Sharon is an icon na habambuhay mo nang matatandaan, ‘yung music niya will always be there at pati ang movies niya. Mas maganda na nga siguro na maging simple housewife siya, at hintayin ang magiging mga bagong buhay ng mga anak niyang babae in the future.  Enjoy your life now, away from the limelight.

Kris, walang planong sumuko

Kilig na kilig si Ronite ng dPersonalShopper na nabanggit ni Kris Aquino ang name niya sa vlog o facebook nito. Ganu’n kalaki ang admiration niya kay Kris noon pa, kaya naman big deal ang ginawang gesture nito para kay Ronite.

‘Katuwa naman talaga na isang tulad ni Kris ay appreciative sa konting bagay na nagawa mo, so very Krissy talaga na hindi nakakalimot mag-thank you.

Meron na raw mga bagong balak si Kris na bubulaga na lang sa lahat, mga bagong bagay na pinagkakaabalahan niya sa ngayon.

A very intelligent lady like Kris na mukha lang softie pero fighter inside ay hindi puwedeng basta mawala o sumuko. Sure ako na kung ano man ang balak niya, kung ano man ang ginagawa niya, magiging kapaki-pakinabang para sa lahat ng kasama at fans niya na hanggang ngayon loyal pa rin sa kanya.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with