Ruffa, nakipagsayawan sa concert ni Daniel
Ruffa
Ruffa, nakipagsayawan sa concert ni Daniel
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 13, 2020 - 12:00am

Lakers fans ang pamilya Gutierrez, kaya sobrang nag-rejoice sila dahil ang nasabing team nga ang champion ngayon sa NBA. Si Ruffa nga, ipinost pa sa kanyang Instagram story (@iloveruffag) ang video ng nephew niyang si Zion na kuha nang manood sila ng Lakers game sa Staple Centers sa Los Angeles, California noong January 1, 2020.

Sabi nga pala ni Ruffa, naiyak siya sa pagkapanalo ng Lakers kahapon dahil napuyat siya noong Sunday.

Nanood pa kasi siya ng Apollo, ang digital concert ng inaanak niyang si Daniel Padilla.

Actually, while watching Daniel daw, ka-chat niya ang co-stars nila sa digital movie series nila under Star Cinema, ang The House Arrest of Us. Ang saya nga raw dahil sa chat group nila. Ang iba raw sa kanila, nagsasayaw pa habang pinapanood si Daniel.

Si Ruffa nga rin ang nagkuwento sa akin na nasa mismong studio si Kathryn Bernardo at pinapanood ang boyfriend habang nagko-concert. “Ang galing ni Daniel! I like the songs!” sabi pa ng ninang ni DJ.

Bongga!

Vice, nakuha na ang Christmas bonus

Dialogue ni Vice Ganda sa It’s Showtime kahapon, maaga raw nilang nakuha ang Christmas bonus dahil sa pag-ere uli sa free TV ng shows ng ABS-CBN. Isa nga ang It’s Showtime nila ang umeere ngayon sa A2Z Channel 11.

Kaya nga sabi ni Kim Chiu na regular host na ng noontime show ng Kapamilya network, “It’s amazing. Mabuhay!”

Pokwang, babalik na sa taping

Natuloy ang taping ng tatlong episodes ng Chika BESH! ng TV5 noong Saturday, pero absent si Pokwang dahil namatay ng araw na ‘yon ang ina niyang si Nanay Gloria.

Kasado na ang taping nila ng araw na ‘yon, kaya hindi na nag-pack up pa. Sina Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde na lang ang nag-host at hindi na rin sila kumuha pa ng guest co-host.

Ayon kay Ms. Camille Montano na VP for Production Operations ng APT Entertainment/Archangel Media na producer ng  morning show ng TV5, today ay hindi sila magte-taping dahil hihintayin nila na maging puwede na si Pokwang.

Bale sa Thursday ang next taping nila at sana nga raw ay ok na si Pokwang sa araw na ‘yon. “We will see. Kasi dahil sa NBA naman, preempted ang show namin ng Monday (kahapon),” sabi niya noong makatsikahan ko last Sunday.

Bumuhos nga pala ang pakikiramay ng kanyang mga katrabaho, mga kaibigan, kakilala at fans kay Pokwang dahil sa pagyao noong Saturday morning ni Nanay Gloria.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with