Catriona, pinupuri sa pagpo-promote ng local
Catriona
Catriona, pinupuri sa pagpo-promote ng local
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 13, 2020 - 12:00am

Pinupuri si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa ginagawa niyang pagtulong sa mga local businesses sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na Raise Your Flag Series.

Kabilang ang garment industry sa naapektuhan nang husto noong magkaroon ng COVID-19 pandemic. Maraming garment factories ang napilitang magsara dahil nawala ang mga kliyente nilang malalaking kompanya na nagpapagawa sa kanila ng clothing products nila. Kapag walang kliyente, walang trabaho at walang pampasuweldo sa mga tauhan.

Kaya sa ongoing pandemic, gumawa ng paraan si Catriona para makapagbiyahe sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para tulungan sa pag-promote ng individuals and local businesses. Importante raw ang muling pagbangon natin sa pandemya.

Isa sa dinayo ng beauty queen ang Zamboanga kung saan mahahanap ang magagandang tela gawa sa indigenous materials. Ang mga telang gawa sa Zamboanga ay ginamit sa ilang mga sinuot na damit ni Catriona noong naging Miss Universe siya ng isang taon. Hindi niya nakakalimutang banggitin noon na Philippine-made ang mga suot niya sa kanyang mga TV interview.

“Our second chapter of our Raise Your Flag series takes me to Zamboanga, Mindanao, and I cant wait to spotlight our proudly owned and made Filipino products and businesses on my platforms to hopefully encourage you to all join me in our efforts to support our countrymen,” sey ni Queen Cat sa kanyang vlog.

Nakilala ni Catriona ang isa sa cultural icons ng Zamboanga na si Zalma Ballati, isang master weaver ng Yakan Village na gumagawa ng traditional garments. “Such an honor to have the opportunity to meet Zalma Ballati, siya ang Master Weaver of Yakan Village, Zamboanga City. Bilang isang ‘Master Weaver,’ alam niya ang pitong klaseng disenyo ng Yakan. At gumagawa rin siya ng sarili niyang disenyo. She was taught by her mother, and she in turn is passing down the art of Yakan ­weaving to this generation. You can directly support the Yakan community in Zamboanga that is made up of 40 families, by purchasing their handmade and hand woven products. Nakakatuwa yung feeling, kasi kapag mag-purchase ka, alam mo na you’re supporting a community and a craft that is uniquely Filipino,” post ni Catriona sa Instagram.

Joyce, nagpraktis maging mommy

Malapit na bang maging isang ina ang Kapuso actress na si Joyce Ching? Sa latest vlog ni Joyce, naging challenge sa kanya ang maging mommy for a day. Sinimulan niyang mag-babysit para sa kanyang one-year old nephew na si Caleb. Nais daw ni Joyce na ma-experience kung paano haharapin ang mommy duties.

Sinimulan ni Joyce ang araw sa pag-prepare ng breakfast at baby formula para kay Caleb. Pinaliguan din daw niya ito at binantayan nang buong araw sa bahay. Mas nauna pa raw nakatulog si Joyce kesa sa inaalagaan niyang bata na naglalaro habang mahimbing ang tulog niya sa sofa.

Kaya ang mister ni Joyce na si Kevin Alimon ang nag-shoot dahil nakita niyang sobrang napagod na ang misis. “Ito na po si momshie for a day, borlogs na!,” pabirong sinabi ni Kevin. Tinapos naman ni Joyce ang pag-aalaga sa kanyang pamangkin hanggang sa hinatid na nila ito sa kanyang magulang bago ang bedtime nito. Na-realize nga ni Joyce na hindi biro ang maging isang ina.

Gal Gadot, bibida sa Cleopatra

Ang Wonder Woman star na si Gal Gadot ang napiling magbida sa biological drama na Cleopatra. Huling naisapelikula ang epic film na Cleopatra ay noong 1963 at pinagbidahan ito ni Elizabeth Taylor. Sa bagong version, hahawakan ito ng Wonder Woman director na si Patty Jenkins. Pero nasa planning stage pa raw ang Cleopatra project at mas priority ng team ni Patty Jenkins ang pag-release ng Wonder Woman: 1984 film na hindi natuloy ang pagpapalabas sa taong ito dahil sa COVID-19 pandemic. Ang original release date nito ay June 2020 pero na-move ito sa December 25, 2020.

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with