^

Pang Movies

Sharon, noon pa pinagreretiro

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon, noon pa pinagreretiro
Sharon

Nakita namin ang post ni Sharon Cuneta at maliwanag ang sinasabi niya, “kids it’s almost time. Mama is tired.” At muli nagpahiwatig siya na gusto na nga niyang mag-retire sa kanyang career. Sinundan pa niya iyon ng isang post kung ano ang binabalak niyang gawin pagkatapos ng kanyang retirement.

Hindi na kami nagulat sa sinabi niyang iyan dahil hindi naman iyan ang first time na sinabi ni Sharon na gusto niyang mag-retire. Kung hindi kami nagkakamali, iyan na ang ikatlong pagpapaalam niyang gusto na niyang mag-retire.

Noong una, sinabi niyang hindi naman total retirement ang kanyang plano, dahil maaari pa naman siyang gumawa ng pelikula o mag-recording paminsan-minsan.

Noong nakaraang taon, sinabi rin niyang ready na siyang mag-retire, pero pagkatapos ay sinabi niyang dapat may nagawa siyang pelikula, at may mga concert pa kung hindi nga lang nagkaroon ng pandemic.

Pero ngayon, sa anunsiyo niyang balak na retirement, hindi na kasali ang showbusiness sa kanyang mga nasabing plano.

Nagsisimula pa lang si Sharon, talaga namang kasama na sa plano ang panahon ng kanyang pamamahinga. Ang kanyang manager noon na si Mina Aragon ay nagsasabing “maaari na siyang nag-retire at the age of forty. By that time naabot na niya ang peak ng kanyang career, at nakaipon na siya for the rest of her life”. Pero hindi nga nangyari iyon dahil nagpatuloy pa si Sharon beyond that age.

Ang idea ng dati niyang manager ay “mag-retire si Sharon at the height of her career para manatili siyang isang legend sa habang panahon.” Pero mukhang hindi nga ganoon ang nangyari. Nagpatuloy si Sharon at ang masakit, mukhang bumababa na ang kanyang career. Ang kanyang record sa takilya ay nalampasan ng ibang baguhang artista. Ganoon din ang nangyari sa kanyang musika. Pero sikat pa rin si Sharon.

 Iyon nga lang, sa panahong ito hindi na rin masasabing siya ang number one.

Kung magre-retire na nga si Sharon, ayos pa rin naman dahil hindi masasabing nalaos siya.

Kristoffer, matindi ang pinagdaanan sa pamilya

Matindi pala ang nangyari sa pamilya ng actor na si Kristoffer Martin na ang buong pamilya niya na naninirahan sa Olongapo, lahat tinamaan ng COVID at sabay-sabay na na-quarantine.

Noong panahong iyon ay nasa Manila naman si Kris­toffer dahil dito siya inabot ng lockdown, pero kailangan niyang magpilit na umuwi sa Olongapo dahil ni walang bibili ng mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Kailangan muna niyang makitira sa isang kaibigan dahil hindi naman siya maaaring sumama sa pamilya niyang may sakit, pero siya ang kumikilos sa lahat, bumibili ng gamot, groceries at iba pang kailangan ng kanyang mga magulang at kapatid. Naroroon pa ang takot dahil ang father pala niya ay diabetic.

 Iyon ang mahirap sa kaso ng COVID, hindi mo kasi alam kung ano ang mangyayari. Kung hindi made-detect agad, maaaring madamay talaga ang buong pamilya. Salamat na lang sa Diyos, mahuhusay ang mga doctor na Pilipino. Sabihin mo mang wala pang bakuna na pipigil sa COVID at wala pa ring gamot para sa COVID, may natutuhan na silang kombinasyon ng mga gamot na maaaring gamitin kaya marami na ang gumagaling sa sakit na iyan.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with