^

Pang Movies

Richard, babalik sa lock-in!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard, babalik sa lock-in!

Dahil 27th birthday ni Sarah Lahbati noong Friday, may selebrasyon din siya sa family bonding ng pamilya Gutierrez sa kanilang White Plains house kahapon. Actually, pinaka-bonding na rin ‘yon ni Richard sa parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, plus sa kanyang mga kapatid na sina Ruffa, Rocky and Elvis plus his nephew David and nieces Aria and Ezra, plus mga anak na sina Zion at Kai dahil bukas na ang balik niya sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Excited, but sad at the same time, na babalik sa ­taping ng FPJ’s Ang Probinsyano si Richard dahil mami-miss raw niya ang kanyang mag-iina. “Pero at least nakapag-bonding kami sa Balesin Island last week for Sarah’s advance birthday celebration,” sabi ng aktor.

Hanggang October 30 raw siya sa lock-in taping ng  Probinsyano at bawal pang magkuwento kung hanggang kailan nga ba siya sa series na ‘yon. Kahapon ay sabay-sabay din silang nanood ng marathon sa A2Z Channel 11 ng Probinsyano. Ang marathon ng series na ‘yon ang hudyat ng pagsisimula ng fresh episodes nito sa free channel nga.

Anyway, hindi naman nakasama si Raymond sa family bonding nila kahapon dahil may online work daw ito.

Kapamilya actress, nag-demand ng guaranteed contract

May nagtsika sa akin na may ibang stars ng ABS-CBN na pagkatapos sa TV5 ay makakabalik pa rin naman sa Kapamilya network. Pero tama ba na may ibang hindi na uli welcome sa ABS-CBN?

May iba raw kasi na hindi nagpapigil. Tama ba na ang isang Kapamilya actress ay willing daw sana na mag-stay sa ABS-CBN, pero ang gusto ay bigyan muna siya ng guaranteed contract na katulad ng dati niyang kontrata, pero nang hindi nga mabigyan ng ganoon ding deal ay nagdesisyong lumipat na sa TV5?

Well…

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with