^

Pang Movies

Kris, susubok sa ibang ‘career’!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris, susubok sa ibang �career�!
Kris

Nilinaw na ni Kris Aquino na hindi show ang bago niyang project, pero tiniyak na maaaliw ang kanyang supporters na matagal nang naghihintay ng kahit anong project niya.

Malalaman mo ring mahal ni Kris ang mga nagtatrabaho sa kanya sa sinabi nitong with her new project, matutulungan ang mga taong nag-stuck sa kanya. Higit sa lahat, may assurance ng trabaho for one year ang kanyang loyal team.

Walang ibinigay na clue si Kris sa bago niyang project at ang nabanggit lang, na ginawa niya ito on locations na ibig sabihin, sa labas ng bahay. Kinailangan ng niya at ng kanyang team na magpa-swab test bago ito gawin to be sure na free sila from the COVID-19 virus.

KC dedma sa pagre-retire ni Shawie

Tinag ng isang follower ni Sharon Cuneta sa Instagram si KC Concepcion sa post ni Sharon na “Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you!” at “On my way to retirement...” Sabi nang nag-tag kay KC, “give mama a tight hug.”

Anyway, iba’t iba ang reaction ng netizens sa post na ito ni Sharon, marami ang ayaw pumayag na mag-retire na sila. Kasi raw, gagawa pa sila ng pelikula ni Gabby Concepcion, kasama si KC. May nag-comment pa na hindi pa niya nakikita nang personal si Sharon, kaya hindi pa ito puwedeng mag-retire. Sabi naman ng isa, marami pa siyang gagawing concerts at movies na in fact, inilatag na ni Sharon sa mga una niyang posts, kaya lang dumating ang COVID-19, nakansela lahat.

Napansin lang namin na sa mga celebrity na nag-react, wala silang comment at puro emojis ang comments. Hindi tuloy alam kung pabor sila sa pagreretiro ni Sharon o hindi.

Khalil, sasama na kay Gabbi

Pagkatapos ng announcement today sa 24 Oras kung sinong Kapuso actress ang papalit kay Marian Rivera na katambal ni Gabby Concepcion sa First Yaya, ang sunod na aabangan bukas, October 13, ay kung sino ang pinahulaan na bagong Kapuso. May mga humulang si Elmo Magalona ang babalik sa GMAAC na comment ng isang netizen, malabong kunin uli siya ng GMA 7. May nagsabi namang si Inigo Pascual.

May nag-akalang si Kokoy de Santos ang magiging Kapuso na nagkaroon ng special participation sa My Husband’s Lover bilang hardinero nila Dennis Trillo.

Pero, mas marami ang humulang si Khalil Ramos ang bagong Kapuso dahil highlighted ang letters “K” sa patikim sa bagong lilipat.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with