Bela, adjusted na sa LDR
Bela, adjusted na sa LDR
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 12, 2020 - 12:00am

Enero 2017 nang kumpirmahin ng actress-writer na si Bela Padilla ang kanilang breakup ng businessman-producer na si Neil Arce na engaged na ngayon sa actress-host na si Angel Locsin.

May ilang taon ding tahimik lamang si Bela pagdating sa kanyang love life pero kamakailan lamang ay inamin na niya na may bago na siyang kasintahan na si Norman Ben Bay na kanyang nakilala sa St. Gallen, Switzerland nang gawin nila ni Carlo Aquino ang pelikulang Meet Me in St. Gallen na pinamahalaan ni Irene Villamor under Spring Films and Viva Films.

Although nasa LDR (long distance relationship) si Bela with her new boyfriend, nagwu-work naman ito sa kanilang dalawa na kamakailan lamang nagkita sa isang romantic place in Coppadocia, Turkey.

Samantala, sa susunod na taon na umano mangyayari ang planong pagpapakasal nina Angel at Neil at hihintayin muna nila ang paghupa ng pandemya.

Angeline, boses ng bagong serye

Si Angeline Quinto ang umawit ng theme song ng upcoming drama TV series na Huwag Mangamba kung saan tampok na mga bituin ang dalawang nabuong loveteam sa hit afternoon teleserye na Kadenang Ginto na sina Francine Diaz at Kyle Echarri, Andrea Brillantes at Seth Fedelin kasama sina Eula Valdez, Sylvia Sanchez, Mylene Dizon, Diether Ocampo, Nonie Buencamino, Matet de Leon, Dominic Ochoa, Soliman Cruz, Paolo Gumabao at ang nagbabalik na si Sofia Andres. Kasama rin sa movie si Angeline.

Ayon sa singer-actress, ang kanyang adoptive mom na maysakit ngayon na si Mama Bob ang nasa kanyang isipan at puso habang kinakanta niya ang theme song na nagbibigay ng pag-asa.

KZ at TJ, tagumpay sa lihim na kasal

Nailihim ng mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde ang kanilang pagpapakasal last August 28, 2020 na ginanap sa The Farm sa San Benito, Batangas at kamakailan lamang nila nai-share sa publiko sa pamamagitan ng kanilang social media account.

Since bawal pa ang mass gatherings, isang intimate garden wedding ceremony ang naganap.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with