Brightlight, aarangkada na sa TV5
Brightlight, aarangkada na sa TV5
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 11, 2020 - 12:00am

Monday at Friday ang piniling araw ng TV5 para i-welcome ang Brightlight Productions at stars ng show kasama si Papa Albee Benitez.

Siyempre bongga iyon pagpasok ng mga show dahil halos taga-Kapamilya ang mga star na ipapakilala plus si Direk Johnny Manahan at nandun din si Atty. Joji Alonzo na independent producer na kilala sa paggawa ng quality movies.

Big deal talaga ang okasyon dahil napakala­king bagay sa TV5 ang makita iyon mga big star ng Kapamilya tulad nila Piolo Pascual et al na parang caravan na lumipat sa kanila.

Saka kilalang game changer si Papa Albee kaya lahat waiting sa resulta ng mga show na kanyang ginawa.

Lahat nakakadama ng excitement.

Well, let the game begins.  After a month, mapi-feel natin ang mga pagbabago, kung gumalaw ba ang numero, kung sumama ba mga captive audience ng mga show na dati nasa kabila, o kung mananatiling passive ang viewers sa naganap na lipatan. Watch na lang tayo.

Misis ni Goyo, kilala sa kabaitan

Kilala mo Salve ang dating Comelec commissioner na si Goyo Larrazabal di bah? Lagi siyang resource person pag merong issue tungkol sa election o mga kandidato. Naging lucky tayo na na-meet at maging ka-chica ang mabait niyang asawa na si Marivic Larrazabal, isang PR genius na grabe ang pagiging accommodating at kind sa mga kaibigan.

Perfect combination sila Goyo at Marivic Larrazabal, parehong mabuting tao, mabait, approachable, kaya naman ang dami nilang friends in and outside of politics.  Birthday month ngayon ni Marivic, at para sa isang napakabait na friend ng grupo, we wish her good health and safety for the rest of her happy, beautiful life.

Happy birthday our dear Marivic, hah hah na sure ako nahirapan maghanap ng photo si Salve kaya iyon litrato ni Goyo ang inilagay niya dahil ito lang yata ang meron sa internet.

Basta, kahit incognito ka, ‘pag nakita nila how handsome si Papa Goyo alam na nila na beautiful lady ka, not only outside but inside. Always be happy, huwag pa stress, please.

ALBEE BENITEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with