Mark, nakasama sa module ng DepEd!
Mark, nakasama sa module ng DepEd!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 11, 2020 - 12:00am

Nagulat ang Kapuso actor na si Mark Herras dahil nakasama siya sa isang topic, isang student module para sa mga online classes. Pinost ni Mark sa kanyang Facebook ang pagkagulat dahil hindi niya sure kung legit o baka pinagkakatuwaan lang siya. Humingi pa siya ng tulong sa mga netizens kung totoo ba iyon.

Ayon sa mga nag-comment sa post ni Mark, Filipino subject daw iyon para sa mga Grade 3 modules. Nasa multiple choice test si Mark kasama sina Manny Pacquiao, Regine Velasquez, Michael V., at Efren Bata Reyes.

Pinapahula sa mga grade 3 pupils kung sino ang nasa larawan. Nabanggit nga na si Mark ang kauna-unahang nanalo sa reality contest ng GMA Channel 7. Kilala rin siyang mananayaw at aktor.

 Pati mga ang Filipino pop culture ay kasama na sa pinag-aaralan ngayon ng maraming kabataang Pinoy.

Betong umiiwas na sa news

Mental Health Awareness Month ang buwan ng Oktubre at sa buwan na ito, pinapaalam ng marami ang nagiging epekto sa tao kapag hindi nabantayan ang kalagayan ng kanilang mental health.

Dahil sa COVID-19 pandemic, maraming tao sa buong mundo ang nakaranas ng depression, anxiety, restlessness at yung iba ay umabot na sa pagkakaroon ng suicidal thoughts. Kaya importante na ma-check ang mga taong ito na may mental health problem para ipaalam sa kanila na magiging maayos din ang lahat.

Isa nga sa binabantayan ang kalagayan ng kanyang mental health ay ang Kapuso comedian-TV host na si Betong Sumaya. Hindi kaila sa marami na may pinagdaanan na matinding anxiety si Betong Sumaya noong magkaroon ng lockdown.

Para maibsan daw ang kanyang anxiety, umiwas daw muna itong manood ng mga balita sa telebisyon.

“May times na ayoko manood muna ng news. Hindi ko sinasabi na hindi importante, napakaimportante ng news. Pero may point minsan na parang naa-alarm ako. Kasi parang nakikita mo parang ‘yung cases nararamdaman mo,” diin ni Betong.

 Nakatulong ang dasal kay Betong para mapawi ang kanyang nararamdamang lungkot

“’Yung faith mo talaga kay Lord, wala tayong ibang makakapitan ngayon kung hindi si Lord talaga ‘di ba, sa rami ng mga nangyayari sa atin.”

Mabuti raw at meron siyang online weekly show na Quiz Beh! at panay ang video chat niya sa kanyang pamilya.

MARK HERRAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with