Kapamilya, inaabangan kung paano babangon
Carlo
Kapamilya, inaabangan kung paano babangon
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 10, 2020 - 12:00am

Ang ganda naman ng pagtanggap ng tao sa balita na muling mapapanood ang Kapamilya shows. Tuwang tuwa sila at napa-TikTok pa raw sina Carlo Katigbak at Mark Lopez.

Sana nga ay maging maayos ang pasok ng 2021 sa mga taga-Kapamilya at malay mo, mabalik uli sa trabaho ang mga nawalan dahil sa pagkawala ng franchise.

‘Pag naging as busy tulad ng dati ang paglipat sa Zoe Broadcasting Network ng ABS-CBN, hindi malayong maging giant muli ito. Nasa kanila na ang expertise at matatag pa rin ang listahan ng mga naiwan na talents sa kanila, so hindi malayong maging competitive sila at maagaw uli ang dating posisyon.

Parang injecting a new blood transfusion pa nga, dahil kumbaga, ‘yung ibang talents nila na hindi masyadong nagagamit, ngayon puwede nang bigyan ng pansin kasi nabawasan na dahil lumipat na nga ang iba. Parang bagong mga putahe ang niluluto nila, dahil ‘yung dating menu dapat nang palitan. Medyo mahirap sa una pero dahil nga sa captive audience na meron ang ABS-CBN mula pa noong una, hindi na gaanong mahirap.

‘Yung nangyaring pagkawala ng franchise, parang eye opener at aral lang sa lahat at ngayon naman ipapakita mo kung paano bumangon after a big battle. At iyon na naman ang masarap abangan. 

Kristoffer, nakakaawa

Naawa naman ako sa balita na buong pamilya ni Kristoffer Martin ay nagkaroon ng COVID-19.

Sana naman gumaling na silang lahat at huwag mapunta sa seryosong stage ang kanilang kalagayan. Sa panahon ngayon parang ang hirap magkasakit, at sabi pa napakamahal maospital pag meron kang COVID-19 kaya kailangan talaga ang tatag ng loob.

Para ngang may trauma raw si Kristoffer dahil sa nangyari sa pamilya, kaya feeling niya nanghihina siya.

Kahit sino siguro makakaramdam ng takot, lalo pa nga at sa ganitong panahon of uncertainty at parang ang haba na ng pinsala na ibinigay ng coronavirus.

‘Wag kang mawalan ng pag-asa Kristoffer, dasal lang na sana hindi seryoso at gumaling ang mga kapamilya mo.

Treatable naman ang COVID-19 kaya nga lang, medyo matagal na gamutan pero kakayanin mo iyan, dasalan mo na lang.

CARLO KATIGBAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with