^
Tom, natakot mawalan ng pera

Tom, natakot mawalan ng pera

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 10, 2020 - 12:00am

Halos one year walang trabaho si Tom Rodriguez, wala siyang regular show at madalang ang guesting. Ang Love of My Life kasi, maiksi lang ang participation niya at lalo pang na-stop ang trabaho ng aktor dahil sa COVID-19 at malagay sa quarantine ang bansa.

Nagpapasalamat si Tom na kahit matagal walang trabaho at walang project, hindi siya dumaan sa depression. Anxiety ang tumama sa kanya dahil sa financial aspect. Sa showbiz ang trabaho niya at dahil walang project, wala siyang kinikita eh, may mga family obligation siya. “Uncertain na ako sa mga mangyayari dahil wala ngang trabaho. Nagdasal ako, inisip ko kung kaya ko pa ba? Salamat binigyan ako ng trabaho ng GMA. Thank God they fulfill their responsibility to their artist, binigyan nila ako ng project, itong I Can See You: High-Rise Lovers. Malaking tulong hindi lang financially, naka-boost din ng morale that you’re back doing what you love to do at ‘yun ay ang umarte. Maiisip mo na artista ka pa rin pala,” pahayag ni Tom.

Ang tinutukoy nga nitong project ay ang I Can See You: High-Rise Lovers na magsisimulang umere sa Monday (October 12) 9:15 p.m., at tatakbo hanggang Oct. 16. Kapareha niya rito si Lovi Poe at kasama pa nila si Winwyn Marquez. Mula ito sa direction ni Monti Parungao.

Kaya ang sagot ni Tom sa tanong kung bakit ginusto niyang magtrabaho during pandemic ay related pa rin sa una niyang pahayag. “Aside sa kailangan namin ng trabaho, kasama na rin ang creative fulfillment. We need to go back to work kahit takot kang lumabas. We’ve been acting for years, tapos bigla na lang matitigil, malaking adjustment on my part,”sabi pa ni Tom.

Ang wish na lang ni Tom, masundan pa ng ibang project ang High-Rise Lovers na habang nasa lock-in taping sila, mas lalo niyang na-realize na mahal niya ang pag-arte, na mahal niya ang kanyang trabaho.

Anyway, 33rd birthday ni Tom noong October 1 at 10th anniversary niya sa showbiz noong Oct. 4, nag-sorry siya kina Lovi at Winwyn dahil pabirong inang­king belated birthday at anniversary presentation ang High-Rise Lovers.

Mga naiwang ari-arian ni Dolphy, binebenta na

Matutuwa nito ang fans ni Dolphy sa ibinalita ni Eric Quizon sa Instagram na simula kahapon, ni-release ng iTunes ang Captain Barbell na digitally remastered at iconic movie ng dad niyang si Dolphy sa 60+ countries.

‘Yung countries na available ang Captain Barbell ay mula sa letter A hanggang letter Z na simula ng pangalan ng country. Binasa namin ang list ng countries at may countries pala na Anguila, Azerbaijan, Belize, Cape Verde, Guinea-Bissau, St. Kitts & Nevis, at Swaziland. Pasensya na, ‘di namin alam.

Also, nabalita rin ni Eric na pre-selling na ang lots ng Dolphyville Estates na nasa Calatagan, Batangas. Joint venture ito ng Dolphyville Estates at Xceed Realty & Development.

May pasilip sa proper­ty na malaki at maganda. Kasama rito ang Dolphy Museum kung saan, ilalagay ang memorabilia ng Comedy King.

Shaira, Song Hye-Kyo ni Edgar

Kabilang sa nag-congratulate kay Shaira Diaz sa pagkapili sa kanyang leading lady ni Ruru Madrid sa action/drama series na Lolong na ipo-prodyus ng GMA Public Affairs ay ang boyfriend niyang si Edgar Allan Guzman.

Nalaman din namin na Song Hye-kyo ang tawag ni Edgar kay Shaira at sa sinulat nitong “Song Hye-kyo,” “waahh anerbuuh” ang sagot ni Shaira. In fairness, walang kumontra kay Edgar at ibig sabihin, pabor sila sa tawag nito sa GF.

Speaking of Shaira, nag-post ito ng “I waited patiently for the Lord; he inclined to me and heard my cry. Psalm 40:1.” Nabalita pa ngang naiyak si Shaira nang malamang siya ang napiling itambal kay Ruru sa nasabing project. Dream come true ito sa kanya na matagal nang gustong gumawa ng action series.

Curious lang kami kung kasama pa rin sa Lolong sina Sanya Lopez at Kim Domingo na unang nabalitang makakapareha ni Ruru. Pinalitan kaya sila ni Shaira o silang tatlo ang kapareha ni Ruru na swerte kung tatlo nga ang leading ladies niya.

TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with