Heart at Kamiseta, tinapos na ang collab!
Heart at Cris
Heart at Kamiseta, tinapos na ang collab!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 8, 2020 - 12:00am

Hindi na si Heart Evangelista ang endorser ng Kamiseta ni Cris Roque. For two years naging part ng Kamiseta Apparel si Heart at siya mismo ang nagsabi na napakasaya niya sa mga natutunan niya sa kompanya ng Kamiseta.

Happy din si Cris Roque dahil naging malaking tulong din ang artistic knowledge ni Heart para sa kompanya.

Pero ang Kamiseta, usually ay nagpapalit ng endorser almost every year. Remember na there was a time na sina Kris Aquino at Gretchen Barretto ang kanilang model? Actually nga, longest ‘yung kay Heart dahil inabot ng dalawang taon.

Both parties naman, Cris and Heart will still be friends at partners kung sakali at meron na namang bagong ideas at campaign ang Kamiseta Apparel.

Maganda ang naging collaboration nilang dalawa, pareho silang nagkatulungan sa pagbibigay ng unique touch sa mga damit na gawa ng kompanya ni Kris.

Parting is such a sweet sorrow for both them, pero change is always a good sign. Kamiseta will always be a good unique brand for ladies. 

Sandara, hindi pa rin isnabera sa fans

Tuwang-tuwa ako sa nabalitaan ko na dumaan at namili raw sa Philippine market sa Korea si Sandara Park.

Talagang mahal ni Sandara ang Pilipinas, at hindi niya na-lilimutan ang pagtira niya rito sa atin. Actually nga basta may chance, nagpupunta siya rito para magbakasyon, at hindi rin niya pinutol ang bonding nila ng lola Budingding niya.

Talagang mamahalin mo si Sandara dahil sa ipinakikita niya ang sincere appreciation sa ating bayan.

At hindi siya napigilan ng team Sandara niya nang pumayag siya na magpa-picture/selfie sa mga Pilipino na naroon, telling her team na sa Pilipinas talagang ganoon ang ugali ng fans, mahilig sa pictures. At siya rin ang nagsabi na malaking tulong ang pagmamahal ng fans niya rito, dahil strong support ang ibinibigay nila sa kanilang mga idolo.

Forever love niya ang Pilipinas, forever love rin natin si Sandara, ‘di ba, Elena Budingding? 

Kapamilya shows naiba lang ng channel

Inip na inip na ang lahat sa paglabas ng mga show na produced ng Brightlight Productions. Kasi nga heto ang parang extension ng mga Kapamilya stars, dahil halos lahat ay taga-ABS-CBN, mula kina Direk Johnny Manahan at Bobot Mortiz, pati na ang bagong Bacolod princess na si Pat-P Daza ay galing Kapamilya kaya hindi kataka-takang may flavor ng Kapamilya ang mga bagong show, mapa-drama o musical.

Mukhang nasa fighting form naman ang production ni Papa Albee Benitez, dahil exciting naman ang mga naisip nilang show, at big stars ang nandito.

We wish for the best, dahil kailangan natin ang infusion ng mga bagong negosyante para matulungan ang industriya. Dapat talagang magtagumpay ang Brightlight.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with