DOTS nila Dingdong, sisimulan na uli
Dingdong at Jennylyn
DOTS nila Dingdong, sisimulan na uli
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 8, 2020 - 12:00am

Natuwa at na-excite ang netizens nang maglabas ng teaser ang GMA Network sa pagbabalik ng bagong episodes ng kanilang mga teleserye na nahinto dahil sa pinagdadaanan nating pandemic for seven months now.

Nakahanda na at mauunang magbalik sa television ang Pinoy adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun. Masaya ang mga tagasubaybay nila na matagal nang nagtatanong kung kailan ibabalik ang serye na nagpapakilig sa kanila gabi-gabi, tampok sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis at Rocco Nacino at iba pa. 

Excited din ang buong cast na muli silang mapapanood sa seryeng tinanghal na Most Popular Foreign Drama ng 15th Seoul International Drama Awards last September sa South Korea at nagbigay ng bagong title kay Dingdong bilang Asian Star Prize Awardee, sa pagganap niya bilang si Captain Lucas Manalo sa serye.

Mapapanood na ang Descendants of the Sun Ph simula sa October 26, 9:15 p.m., sa GMA Telebabad, papalit sila sa timeslot ng matatapos na fourth episode ng drama anthology na I Can See You.

Meanwhile, tapos na ring mag-lock-in taping ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na nagtatampok kina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer at Jay Manalo. Inihahanda na rin ang serye sa pagbabalik nila.

Kasalukuyan namang nagti-taping na rin ang GMA Afternoon Prime na Prima Donnas na nagtatampok kina Chanda Romero, Wendell Ramos, Katrina Halili at mga young actresses na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Elijah Alejo.  Kaabang-abang kung ano ang gagawin ng serye sa character ni Sofia Pablo na isa sa mga Donna, dahil she’s less than fifteen years old pa lang at hindi pa allowed magtrabaho. 

Sa interview ng 24 Oras kina Wendell at Aiko, nangako silang magugustuhan ng televiewers ang pagbabagong ginawa nila sa story ng tatlong donnas.

Magsisimula na ring magbalik-taping ang Primetime series na Love of my Life, nina Ms. Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos at Mikael Daez. Inaayos pa ang muling pagti-taping ng Afternoon Prime drama series na Magkaagaw nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Klea Pineda at Jeric Gonzales, at ang Bilangin ang Bituin Sa Langit nina Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ina Feleo at Kyline Alcantara, sa direksyon ni Laurice Guillen.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with