^

Pang Movies

Vina, tinaya ang buhay sa snatcher!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kahit na siguro mismong law enforcers ang tanungin ninyo, hindi ninyo dapat pamarisan ang ginawa ni Vina Morales na hinabol pa ang nang-snatch ng kanyang cellphone sa EDSA, at maski na saan for that matter.

Kung iisipin, ang una sanang dapat gawin ay mag-ingat, at ang pag-iingat ay ang hindi paggamit ng cellphone habang kayo ay nasa kalye maliban kung iyon ay isang emergency. Kasi kung labas pa kayo nang labas ng cellphones ninyo, lalo na’t mamahalin para kayong nagtatawag talaga ng snatcher.

Ang mga snatcher, o maski na mga holdaper sa mga public transport, hindi nag-iisa iyan. Laging may back up, na akala mo pa tutulong sa iyo pero kakampi ng magnanakaw. Maraming kaso na oras na habulin mo ang isang snatcher, may sasalubong sa iyo at baka kung ano pa ang gawin. May mga kasabwat din iyan na maabutan mo man sila, wala ka nang makukuha dahil naipasa nila nang mabilis ang kanilang mga ninakaw. Ilalagay lang ninyo ang sarili ninyo sa panganib.

Ang dapat gawin, basta may nangyaring ganyan ay magpunta sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, dahil mas alam nila kung ano ang dapat na susunod na hakbang. Kabisado rin nila ang sistema ng recovery ng inyong cellphones. Sa kaso ni Vina na ayaw pumunta sa presinto dahil takot siya sa maraming tao dahil sa COVID-19, wala na ngang magagawa.

Pero ang EDSA, talagang delikado lalo na kung nasa traffic kayo. Maraming snatcher diyan at natural hindi ninyo maiiwan ang sasakyan ninyo sa gitna ng traffic habang sila naman ay mabilis na makakatakbo sa mga side streets. Hindi lang snatcher, may mga holdaper din sa EDSA. Ngayon medyo nabawasan dahil nasa gitna na ang bus lane, pero noong araw, talamak iyan sa abangan ng bus.

Mga anak ni Lian, hindi na kilala si Paolo

Aywan kung ano ang epekto kay Paolo Contis ng sinabi ni Lian Paz, na ang kanya raw mga anak ay “anak ko lang.” Iyon ang isinagot niya sa nagtanong sa kanya kung ang anak niyang si Xalene ay anak nga nila ni Paolo Contis. Actually dalawa ang naging anak nila bago sila nagkahiwalay.

Pero ngayon sinasabi ni Lian na ang dalawa ay “anak ko lang, Salamat nga sa Diyos dahil ngayon mayroon na silang daddy.”

Ang tinutukoy ni Lian ay ang businessman at basketball player na si John Cabahug na karelasyon niya ngayon. Si John kasi ang nagbantay kay Xalene nang dalhin siya sa ospital matapos na makagat ng kanilang aso. May anak na rin sila ni John.

Nakakalungkot lang dahil ang mga bata ang apektado sa naging problema ng mga magulang nila.

Mocha nag-resign na, babalik na sa pagiging performer?!

Tuwang-tuwa ang isang kumpare ko nang malaman na nag-resign na si Mocha Uson bilang assistant secretary ng PCOO. Wala namang balita kung ia-appoint pa siya ni Presidente Digong sa bagong posisyon. Kaya naman natutuwa iyong kumpare ko, kung hindi na nga raw ia-appoint si Mocha, baka magbalik ulit iyon sa pagiging isang performer.

Marami ang matutuwa riyan. Kung bilang government official marami siyang nakakaaway, kung magbabalik siya sa pagiging isang entertainer ay marami pang palakpak ang kanyang aanihin.

May panahong nawala si Mocha, pero lumalabas pa rin ang Mocha Girls, pero mukhang pinatigil din sila dahil tangay pa nga nila ang pangalan ni Mocha, at unbecoming iyon sa isang high public official na gaya niya.

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with