BB, ginagawang serye ang nangyari raw sa kanila ng aktor
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 5, 2020 - 12:00am

Iisipin mo bang humaba pa ang pasabog ni BB Gandanghari at inamin pa niyang si Rustom Padilla ay nag-check in sa isang motel sa Pasig kasama ang naging lover niyang actor? Isipin mo, sa lahat naman ng lugar, bakit isang motel pa sa Pasig?

Noong mga panahong iyon, parang hindi na yata uso ang mga hotel sa Pasig. Ang hotel row sa Pasig, sumikat iyan noong seventies. Diyan nauso ang kunwari “namamasyal tapos biglang liko.”

Pero idiniin ni BB, hindi pa rin nag-sex sina Rustom at ang lover niyang actor. Nagyakapan sila, naghalikan pero hanggang doon lang.

Palagay namin gustong idiin ni BB na ang ginawa ni Rustom at ng actor ay isang “love affair” talaga, kaya hindi sila nag-sex.

Pero sinasabi niya, hindi pa naman tapos ang kanyang kuwento. Hindi natin alam kung darating ang isang araw na aamin din siyang nagkaroon ang dalawa ng “physical contact.”

Actually marami ang duda sa kuwento ni BB, kasi ang ganyang affair hindi puwedeng tumagal nang ganyan nang walang contact. Malamang hindi lang niya inaamin ang ibang nangyari, dahil in the first place hindi naman talaga dapat pinag-uusapan ang ganoong bagay lalo na sa isang vlog.

Kung hanggang kailan babatakin ni BB ang kanyang kuwentong ginagawa na niyang serye sa kanyang vlog, na para bang sinasabing puwede ngang gawing isang teleserye kung hindi man isang pelikulang indie, walang nakakaalam.

Nananatiling tanong, ano nga kaya ang gustong palabasin ni BB sa kanyang ginagawang ganyan? Hindi naman siguro kumita, dahil hindi naman niya itinuloy na magpabayad sa mga nanonood ng kanyang vlog.

OMB, may bagong lider

Ikalawang araw pa lang niyang nauupo bilang chairman ng, natanong agad ni Senator Franklin Drilon si dating mayor Christian Natividad, kung bakit kailangan pa ng OMB ng budget eh hindi na uso ngayon ang DVD at ang mga pelikula ay napapanood na sa internet. Iyon naman daw piracy sa internet, batay sa batas ay nasa ilalim na ng PNP at NBI. Ano pa nga raw ang silbi ng OMB?

Ang Optical Media Board, simula noong mabuo bilang Videogram Regulatory Board noong araw ay laging pinamumunuan ng kinatawan ng industriya ng pelikula, na siyang pinakamalaking biktima ng piracy.

Si Natividad ang ikalawa lamang chairman na hindi taga-pelikula. Ang nauna ay ang kanyang pinalitang si Anselmo Adriano.

Nasagot naman ni Natividad ang tanong ni Senator Drilon, pero naniniwala kaming kung isang taga-industriya ang chairman, mas mabibigyan niya ng katuwiran ang kahalagahan ng OMB. Eh hindi siya taga-industriya eh kaya sorry siya.

Aktor wala nang babalikang career

Alam daw ng male star na wala nang pupuntahan ngayon ang kanyang career. Pagkatapos ng indie movie niya, na tiyak namang hindi kikita, wala na siyang babalikang network dahil nasara na. Ngayon daw nagsisisi na siya kung bakit nagpakaarte-arte siya sa dati niyang network.

Lagi namang ganyan, nasa huli ang pagsisisi.

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with