^

Pang Movies

Pelikula ni Sen. Manny, nabura sa pandemya

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Teka ano na nga ba ang nangyari sa nabalitang biggest movie break ni Senator Manny Pacquiao, ang Malvar?

Noong una, maingay ang balitang nagsisimula nang mag-shooting sa Tanauan, Batangas sa direksyon ni Jose “Kaka” Balagtas, pero later on nabalita namang hindi nagkakasundo ang pamilya ng yumaong General Miguel Malvar.

May mga pagbabago diumano sa kuwento nito hanggang tuluyan na ngang nawalan ng ingay ang naturang ginagawang movie at umatake na nga ang pandemya.

Ano na nga kaya ang nangyari? Itutuloy pa ba ang naturang historical movie?

Hangga’t hindi showing ang isang pinaplanong pelikula, mahirap paniwalaan kung tuloy pa ito.

Amanda, nagrereklamo sa 75k na bill sa kuryente

Nadismaya ang dating dancing queen na si Amanda Amores matapos matanggap ang bill ng kuryente. Imagine, umabot daw sa P75,000 ang dapat nilang bayaran sa Meralco. Na-stress ang aktres at kinuwestyon kung paano nila nakonsumo ang ganu’ng kalaking halaga samantalang sa gabi lang sila umuuwi at gumagamit ng kuryente. Kapitana kasi ang anak ni Amanda sa Quezon City na si Michelle Yu.

Para raw hinulaan lang ng naniningil ng kuryente ang inilagay sa bill nila kaya makikipag-usap daw si Amanda at hindi papayag na bayaran ang ganu’n kalaking halaga na hindi naman nila nagamit.

Iyan ang pangunahing reklamo ng mga customer ng Meralco ngayon.

Raffy at Alex, walang ingay ang mga pagtulong?!

Paulit-ulit na lang ang publicity na milyones na ang kinikita nina Raffy Tulfo at Alex Gonzaga sa-vlog.

Kabilang daw ang dalawa sa pinakamalakas kumita bilang vlogger. May mga natutuwa pero meron ding nagsa-suggest na bakit daw kaya hindi magbigay ng ayuda sina Raffy at Alex sa mga kapatid na nawalan ng trabaho sa showbiz.

Sikat na sila at mayaman pa, makakabuti siguro kung mag-aabot na rin sila ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa kanilang mga kasamahan.

KathNiel, ayaw sa live in

Maganda ang plano nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na humarap sa altar sa tamang panahon. Marami mang artista ang nagli-live sa panahon ngayon, pero hindi nagpadala ang magka-loveteam sa modernong panahon. Kaya naman marami ang humahanga sa dalawa bilang mabuting ehemplo sa kabataan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with