Mga artistang walang naipon, inggit na Inggit sa mga nakapag-invest
Gerald
Mga artistang walang naipon, inggit na Inggit sa mga nakapag-invest
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 4, 2020 - 12:00am

Ang sarap naman na na-discover ng mga artista natin ang nature dahil sa lockdown. Nag-enjoy sa beach house niya sina Amy Austria at si Gabby Concepcion nagpa-farming sa Batangas.

Si Gerald Anderson inayos mabuti ang kanyang resort sa Zambales, le­gendary iyon semi retirement stage ni Andi Eigenman sa Siargiao.

Masarap sa mga artistang merong naipundar na get away from the city, iyong puwede sila mag-stay dun nang walang iniisip, kaya siguro iyon mga walang naipundar inggit na inggit na masayang-masaya ang iba sa bago nilang paligid, samantalang sila nasa city lang at hinihintay kung magkakaroon ng trabaho.

Well, eye opener naman sa lahat ang nangyaring pandemic, kaya ngayon meron nang lesson at maging maingat sa mga kinikita nila ang ilang artista.

Wala na rin iyon mga drama na kung ilang tao ang kasama sa set, na dapat may stylist para sa mga damit. Now siguro babalik na sa dati na make up artist lang sa set ang ginagamit, sariling damit ng artista ang dala sa set at kung meron mang kasama ay isa lang at dapat iyon babae lang na star.

Changes, changes, I think for the better.

Dating tubig ni LT, may flavor na

Meron akong na-discover na masarap na tubig ha, iyon Crystal Clear na dating ini-endorse ni Lorna Tolentino.

Dati plain water lang iyon pero ngayon meron na siyang different flavors pero pinaka-favorite ko iyon apple flavor, ang sarap niya.

At na-discover ko na kung saan dapat bumili ng mga halaman, sa Green Centrale na talagang ang ganda ng arrangement ng mga halaman, tulad ng ipinadala sa iyo ni Sen. Manny Villar.

Mabuti na lang na discover ko ang Crystal Clear at Green Centrale dahil kay Avec Amarillo na dahil walang green thumbs buy na lang sa Green Centrale ng mga plant at Crystal Clear pala ang iniinom na tubig kaya very healthy.

Bongga talaga ngayon, pati water fruit flavors na, sarap niya ha Salve.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with