Jenine ingat ipakita ang katawan ni Janella
Jenine ingat ipakita ang katawan ni Janella
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 4, 2020 - 12:00am

May bagong photos na in-upload si Jenine Desiderio kasama ang anak na si Janella Salvador at ang ama ng BF ni Janella na si Markus Paterson. Hindi pa rin kita sa mga litrato ang full body ni Janella, kaya hindi nakikita ang gustong makita ng fans nila ni Markus.

Parang extra careful si Janella, ang mom niya at si Markus to show her full body, kaya tuloy din ang pagtatanong at diskusyon ng fans sa tunay na kalagayan ni Janella.

Naging isyu pala ang pinost na photo ni Jenine dahil si Janella lang ang may suot na face mask at sina Jenine at dad ni Markus, walang face mask. Sabi sa caption ni Jenine “Supermarket run. Yes, no masks. Masks are only required here inside supermarkets, restos & public transport. Face shields are unheard of in here.”

Dagdag pa ni Jenine, nasa countryside sila, konti ang population, walang makikitang tao sa labas ng bahay, maraming open space, walang congestion ng tao at pina-practice ang social distancing.

Nanghinayang ang fans dahil hindi pa binanggit ni Jenine kung saan sila sa UK nakatira ngayon. Very careful din ito sa kanyang mga post.

Edu may pinamana kay Robi

Hindi si Edu Manzano, hindi rin si Luis Manzano at hindi rin si Kris Aquino ang napiling mag-host nang nagbabalik na Pilipinas Game KNB? Si Robi Domingo ang ipinakilalang host ng sikat na game show ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram page, may post si Robi tungkol sa bagong iho-host na show: “I have been a big fan of the show, and in 2008, naging contestant din ako. Ikaw, Ano ang #GameKNB story mo? Kwento mo na ‘yan! @jeepneytv @kumuph @abscbn.”

Kasama sa pagko-congratulate ng Kapamilya fans kay Robi ang pasasalamat sa pananatili niyang Kapamilya at hindi paglipat sa TV5. Bagay din daw kay Robi ang maging bagong host ng Game KNB na this October na ang simula ng airing.

Asawa ni Yasmien panay ang congratulate

Natutuwa ang fans ni Yasmien Kurdi na muli siyang mapapanood sa primetime ng GMA-7 dahil magsisimula na sa Monday (October 5), 9:15pm., ang airing ng The Promise ang second instalment ng drama anthology na I Can See You.

Gaganap si Yasmien bilang si Clarisse Agoncillo, namatay na asawa ni Frank Agoncillo na ginagampanan ni Paolo Contis. Zig Dulay directs the episode.

Gaya sa ibang Kapuso stars na sumabak sa taping, dumaan sa precautionary measures ang cast at crew ng show, sumailalim sila sa RT-PCR tests, lock-in tapings at sumunod sa strictly practiced government-mandated safety and health protocols sa set.

Naikuwento ni Yasmien na pag-uwi niya, nag-self-quarantine muna siya ng ilang araw sa ibang kuwarto ng kanilang bahay bago lapitan, mahalikan, at mayakap ang kanyang mag-ama.

Kabilang sa nag-congratulate kay Yasmien ay ang asawang si Rey Soldevilla na number one supporter ng asawa. Nababasa namin na laging kino-congratulate ni Rey ang asawa kapag may bagong project.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with